Thursday, October 25, 2012

October 25


October issues of different magazines


OCTOBER 25
People Weekly October 25, 1999
On the Cover: Bruce Willis and Haley Joel Osment (for the film Sixth Sense)

UNANG LABAS
Ang taklob-pahina ng unang isyu ng
Pantastik Komiks tampok ang “Basiliong
Tagpi” na iginuhit ni Alfredo Alcala.
Ang unang isyu ng Pantastik Komiks ay lumabas noong Oktubre 25, 1950. Ang babasahing komiks na ito na inilimbag ng All Star Publishing na pinatnugutan ng may-aring si Ben Cabailo Jr ay ang pang-siyam na lumabas sa sirkulasyon sa Pilipinas. Tampok sa unang labas ang mga sumusunod na kuwento: “Basiliong Tagpi” na isinulat ni Conde del Pierre at iginuhit ni Alfredo Alcala (na tampok sa unang taklob-pahina ng komiks), “Agimat” na isinulat ni Cresencio Clemente at iginuhit ni Tony de Zuñiga, “Anino ng Kalansay” na isinulat ni Cecilio Pamintuan at iginuhit ni Alfredo Alcala, “Dalawang Daigdig” na isinulat ni Hector Arcangel at iginuhit ni Noly Panaligan, “Basag na Salamin” ni Nestor Redondo, “Damit ng Tulisan” ni Noly Panaligan, “Sibat Man” ni Jul Calixto, “Si Peles Kamatis” ni Mike Medina, at “Taksil na Bayani” ni Alfredo Alcala.






Oktubre 25 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Oktubre 25, 1944, sa Battle of Leyte Gulf, sinagupa ng American Third Fleet ang Japanese Northern Naval Force sa may baybayin ng Cape Engano kung saan napalubog ng hukbong pandagat ng mga Amerikano ang maraming barkong pandigma ng mga Hapon.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
California-born French-Mexican actress na si Yvette Mimieux,
tampok sa taklob-pahina ng Life Magazine October 25, 1963 issue.


Personalities and celebrities born on October 25:
1828 – Crisanto Mendoza de los Reyes, farmer, lawyer and patriot – in Quiapo, Manila (d. July 4, 1895).
1924 – Henry Sy (Sy Zhicheng), Chinese-Filipino entrepreneur, businessman and founder of the SM group of companies – in Xiamen, China.
1955 – Lito Lapid (full name Manuel Mercado Lapid), actor, stuntman, politician and senator – in Porac, Pampanga.
1963 – Grace Padaca (full name Gracia Cielo Magno Padaca), radio commentator, politician and government official – in Isabela.



Si Kiefer Sutherland (para sa television series na
24), tampok sa takob-pahina ng Entertainment
Weekly October 25, 2002 issue.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba kung ano ang nakatalang pangalan sa birth certificate ng England-born Canadian actor na si Kiefer Sutherland? Ang buo niyang pangalan ay Kiefer William Frederick Dempsey George Rufus Sutherland. Nakilala siya ng husto sa kaniyang pagganap bilang Jack Bauer sa Fox television series na 24, kung saan nagwagi siya ng Emmy, Golden Globe, Screen Actors Guild at Satellite awards.
                                      o      O     o




No comments:

Post a Comment