Thursday, February 23, 2012

February 23

 
February issues of different magazines


FEBRUARY 23
February 23 (1990): MOD Filipina Magazine Vol. XXII No. 0964
On the Cover: Professional ballet dancer Sofia Zobel de Ayala

Pebrero 23 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong ika-23 ng Pebrero, 1763, si Sultan Alimud-Din ng Jolo ay lumagda sa tratado ng pakikipagkasundo sa bansang Espanya.
                                                          o     O     o

          Tuluyang napalaya ng magkasib na puwersa ng mga gerilyang Filipino at sundalong Amerikano ang kabiserang lungsod ng Maynila noong Pebrero 23, 1945.
                                                          o     O     o

          Si Gen. Tomoyuki Yamashita, commanding general ng Japanese Imperial Forces in the Far East, ay binitay sa Los Baños, Laguna, noong Pebrero 23, 1946, matapos mahatulan ng military court sa mga war crimes na kaniyang ginawa.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on February 23:
1861 – Florencio Lerma, musician and one of the Bicol Martyrs executed by the Spaniards – in Quiapo, Manila. (d. January 4, 1897)
1878 – Pedro Guevara, politician, writer and resident commissioner of the Philippines in the U.S. – in Laguna. (d. January 19, 1938)



Ang “Totit” Ni Mars Ravelo
Mars Ravelo’s “Totit” on the pages of Sinagtala Magazine Year 5 Issue No.19, February 23, 1950.
          Ang “Totit” ay obrang sinimulang gawin ni Marcial “Mars” Ravelo (1916-1988) noong late 1940s. Ayon kay Ravelo, mula ito sa palayaw ng kaniyang kababatang si Restituto Umali, na kung tawagin niya ay Totit. Batay sa kuwento ni Ravelo, si Totit ay isang batang maabilidad bagama’t may kalikutan sa galaw at maging sa pag-iisip. Dahil bibihira ang makikitang kopya ng obrang ito, katulad ng “Ponchong” at “Bemboy,” ibinibilang ito sa mga “nawawalang obra” ni Ravelo. Mapapansing bilang isang cartoonist, ang mga guhit ni Ravelo ay kahalintulad ng kay George McManus (1884-1954) na nakilala sa mga cartoon strip na “Rosie’s Beau,” “Bringing Up Father’ at “The Newly Weds.” Sinabi sa akin ni “Uncle Mars” nang akin siyang makapanayam noong 1985-1986, na naka-impluensiya ng malaki sa kaniyang istilo ng pagguhit si McManus.
                                                          o     O     o



Portrait of Karl Heinrich Marx on the cover
of Time Magazine February 23, 1948 issue
Larawang Tribiya
          Ang idolohiyang nilikha ng German philosopher na si Karl Heinrich Marx (1818-1883) – Marxism – ay lumaganap at lumukob sa maraming bansa mula noong simula ng ika-20 siglo. Ito ang naging daan ng pagkabuo ng maraming socialist countries sa daigdig. Bagama’t may iba pang kahawig na pilosopiya tulad ng Leninism at Maoism, si Marx ang kinikilalang isa sa tatlong arkitekto (kabilang ang French sociologist na si David Émile Durkheim, 1858-1917, at ang German political economist na si Karl Maximillan Weber, 1864-1920) ng modern social science. Kinikilala rin siya bilang isa sa pinakamaimpluensiyang tao sa kasayasayan ng daigdig. Sa BBC poll na ginawa noong 1999, nahirang siyang pangunahing “thinker of the millennium” ng mga tao sa buong mundo.
                             o     O     o







No comments:

Post a Comment