Tuesday, February 14, 2012

February 14

 
February issues of different magazines

February 14
February 14 (1901): Life Magazine Vol. XXXVII No. 0964
On the Cover: “St. Valentine, 1901,” an illustration by Albert D. Blashfield

 

PAHIMAKAS NG ISANG PAG-IBIG

Sa ibabaw ng mundong puno ng hapis;
Sa gitna ng dalamhati at ligalig,
Natagpuan ko nililiyag ng dibdib,
Ng puso’t kaluluwang kagya’t umibig.

Siya’ng gumising sa pusong naidlip,
Na ngayo’y di mawalay sa panaginip,
At sa aking guni-guni’y umuukit,
Pagdaka’y laging nakikintal sa isip.

Bawat dakuin diwa kong naglalakbay,
Ano mang sandaling lumipas-sumilay,
Ang sinta ng puso ko’y di na mawalay
Sa kaluluwa kong pag-ibig ang kulay.

Pintig ng dibdid kung sadyang tatarukin,
Malalamang ang lakas ay walang supil.
Ano mang balakid ay handang harapin,
Walang pipigil, bulkan man ang hilahil.

Kung ganda niya’t asal ilalarawan
Sa madla ng mga engkantadang dilagan,
Walang ‘pinaka’ sa buong panitikan
Ang makabibigkas ng pag-uring turan.

Siya na diwata ng bait at hinhin,
Tanglaw ng diwa ko sa gabing madilim.
Siya na mutyang pumupukaw sagimsim,
Sino mang pantas, siya’y nanasang kamtin.

Sa bawat gabing malungkot at tahimik,
Laging ikaw nilalaman ng paglirip.
Larawan mo kapagdaka’y gumuguhit
Sa dalumat kong alipin ng pag-ibig.

Sa bawat araw na pakikipagtalik
Sa bagtas ng panahon, inog ng isip,
Pangarap ng puso ay huwag maamis,
Pagsinta sa iyong lubhang masigasig.

Mukha mong mala-anghel, ngiting kay tamis,
Ang bawat susulyap mata’y magniningkit.
“Adang sa puso ko katumbas ay langit,
Nawa’y bigyang pansin tunay kong pag-ibig.

Sa pagsinta ko’y may babala’ng tadhana,
May bantang ligalig ang bawat ligaya.
Sadya kayang ganito, daan ng pagsinta,
Nililigis ng pait ang pagpapala?

Umihip ang habagat na nagbabanta
At nalagas ang mga bulaklak ng saya.
Siya ay nagbago, ngiti’y naging bula,
Ang dating matapat naging palamara.

Masalimuot nga ang landas sa lungsod,
Tahana’y matibay, pinto nama’y gapok.
Siya’y natangay sa umaalong agos,
Naging makabago at naging marupok.

Sa pagsulat ko, bahagi nitong tula,
Hilagyo ko sa dilim ay lumuluha.
Ako’y nalulumbay; siya’y nagsasaya,
Sa pagkasi, ang tapat ba’y laging aba?

Damdaming nananangis sa bawat puntod,
Dating paraiso, ngayon ay kay lungkot.
Sa altar ng sawi, ako’y nakaluhod,
Idinadalanging magbalik ka irog.

Lumipas na ang malaong paghihintay;
Naghilom na ang puso kong nahingalay.
Sa mga dilag ay handang muling mag-alay,
Paghanga’t pag-irog na tapat at tunay.

Sa pahimakas ng siphayo ko hirang,
Mananatili ang ala-alang tangan.
Nguni’t bubuksan ko’ng panibagong daan;
Tapat na pag-ibig nawa’y matagpuan!
(Mula sa tulang isinulat ni Ernesto Lawagan at lumabas sa Thomasian Engineer Vol. XXI No.1,
October 1979, p. 33. Bahagyang binago ng may-akda ang ilang linya ng tulang ito.)



Ang Kailangan Ngayon ng Daigdig ay Pag-ibig (1975)
(What the World Needs Now is Love)
Newspaper movie ads ng Ang Kailangan
Ngayong ng Daigdig ay Pag-ibig (1975)
Nobela ni Clodualdo del Mundo na isinapelikula ng Silangan Films International sa ilalim ng direksiyon ni Chito B. Taparan at nagtampok kay Carmen Ronda sa kaniyang unang starring role.

















Events that happened on February 14
1810 – Spain granted all colonies in the Americas and the Philippines representation in the Spanish Cortes.
1931 – The Correctional Institute for Women was established as a branch of the Bureau of Prisons at the Welfareville compound in Mandaluyong with Patrocina M. Garcia as first superintendent.
1946 – Philippine Airline resumed operations after a five-year hiatus brought about by World War II, giving service to 15 domestic points with five Douglas DC-3s.
1975 – The Philippine Heart Center for Asia was inaugurated in Quezon City with Dr. Avelino Aventura as director. The hospital and research center, a project of then First Lady Imelda Marcos, had the most modern facilities for heart and related diseases in Asia at that time.
1977 – Start of the first PAEC Course on “Introduction to Nuclear Power.”
1986 – Corazon Aquino called for a boycott of all establishments closely associated with the Marcos government.
2005 – A bomb planted by suspected Al-Qaeda-linked terrorists exploded inside a RRCG bus under the MRT Ayala Station, in Makati, killing four and injuring 64 people. There were also bomb explosions in Davao City and General Santos City.


Personalities and celebrities born on February 14:
1924 – Juan Ponce Enrile, (birth name Juanito Furagganan) politician and lawmaker – in Gonzaga, Cagayan.
1970 – John Carlos “JC” G. de los Reyes, educator, city councilor and 2010 presidential candidate – in Olongapo City, Zambales.
1971 – Kris Aquino (full name Kristina Bernadette Cojuangco Aquino), actress, model, television host, and product endorser.
Kris Aquino on the covers of MOD Magazine November 11, 2005 and MOD Filipina Magazine May 26, 1989 issue

Donna Cruz at age 18, taken
from Celebrity World Magazine
Vol. 4 No. 207, July 31, 1995.




1977 – Donna Cruz (full name Donna Cruz Yrastorza-Larrazabal), singer and actress – in Manila.












1981 – Nancy Castiglione (full name Nancy Jane Jimenez Castiglione), Italian-Filipino actress, singer and model – in Canada.
Nancy Castiglione on the cover of MOD Magazine July 29, 2005 isuue,
UNO Magazine July-August 2005 issue and Maxim Philippines January 2008 issue.
 
1984 – John Prats (full name John Paulo Quiambao Prats), actor, comedian, televisioon host, and image model – in Manila.
1985 – Heart Evangelista (real name Love Marie Payawal Ongpauco), Filipino-Chinese actress, singer, video jockey, and television host – in Manila. 
Heart Evangelista on the covers of Rogue Magazine October 2010
and Mega Magazine December 2011 issues
1986 – Roxanne Bosch Guinoo, actress and model – in Rosario, Cavite.
Roxanne Ginoo  on the covers of Maxim Magazine (Philippines) March 2007 and July 2008 issues.



WIKApedia
          Ang salitang Tagalog na SINTA ay karaniwang tumutukoy sa “pagmamahal.” Ito rin ay patungkol sa bagay o taong pinag-uukulan ng pagmamahal.
          Ang salitang “sumisinta” o pag-uukol ng pagmamahal, kung susuriin ay may pagkakahawig ang kahulugan sa sinaunang salitang Tagalog na patungkol sa paggalaw ng aso. Sa Tagalog, ang isang aso ay “sumisinta” kung ito ay tumatayo gamit ang mga likurang paa o kung ikinakaway nito ang mga unahang paa na tila baga ginagaya ang isang tao. Datapuwa’t hindi tuwirang masasabi na ang ganitong galaw o ugali ng aso ay pagpapakita ng pagmamahal.
          Ang tao ang tanging may kakayahang tumayo ng tuwid na nalalaman ang sentro ng kaniyang timbang upang makalakad at makagalaw siya ng maayos. Dito maiuugnay din ang salitang “sinta” sa salitang “gitna” o “sentro” (center sa English; centum sa Latin). Ito ay mapapatunayan sa salitang “asinta” na ang kahulugan ay “sipatin ang tumbok (o gitna ng balak patamaan).”
          Makikita rin ang kaugnayan ng salitang “sintang,” ang lalagyan sa isang timbangan sa pakahulugang “sentro.” Ang “sintang” ay tinatawag ding “timba,” na kapag dinugtungan ng hulaping “ng(a)” ay nagiging “timbangan.”
          Kaya nga matuwid na masasabing “ang isang sinisinta ay matimbang sa puso.”
          Mayaman ang salitang Pilipino. Ang iba pang salitang kasingkahulugan ng “pagsinta” ay paggiliw, pag-irog, pagkasi, pagsuyo, pag-ibig, pagmamahal, atbp.
                                                         o     O     o



Cheryl Tiegs on the cover of Sports Illustrated Magazine
February 14, 1983 issue.
Larawang Tribiya
          Ang sikat na iconic supermodel na si Cheryl Tiegs ay nababanggit sa lyrics ng theme song ng TV classic series na The Fall Guy na pinagbidahan ni Lee Majors. Noong kaniyang kasikatan, si Tiegs ay may perfect vital statistics na 34”-24”-34”.
                            o     O     o


Defining Love Using Algebra
Let X be me and Y be you.
Then X+Y=1 and  X-Y=0.


Quote of the Day
Omnia vincit amor; et nos cedamus Amori.” (“Love conquers all; and let us too surrender to Love.”) – Virgil, Eclogues.




4 comments:

  1. Ang ganda ng laman, pero mas maganda ang tula mo P're! Si Rolly ito.

    ReplyDelete
  2. Very beautiful poem, indeed! She must be a special girl. Too bad it didn't go well. It's her loss not yours.

    ReplyDelete
  3. Naglaeng ka nga talaga! Amin dadaniw mo! I'm proud of you!

    ReplyDelete
  4. Salamat! Thank you! Agyaman ka!

    ReplyDelete