Monday, February 20, 2012

February 20



February issues of different magazines

February 20
February 20 (1995): Celebrity World Magazine Vol. 4 No. 185
On the Cover: Jao Mapa and Ruth Barnett

Pebrero 20 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Ika-20 ng Pebrero 1946, Si Pangulong Manuel L. Quezon, kasama ang kaniyang mag-anak at ang kaniyang lupong-tagapayong pandigma (war cabinet) ay lumisan sa isla ng Corregidor sa pamamagitan ng submarino patungong Australia.
                                                          o     O     o

          Nakuha ni Donito “The Filipino Flash” Donaire ang titulo sa WBC/WBO Bantamweight Boxing ng matagumpay na pabagsakin niya ang kaniyang kalabang si Fernando Montiel sa iklawang round ng kanilang laban na ginanap sa Mandalay Bay Resort sa Las Vegas, Nevada noong Pebrero 20, 2011.
                                                          o     O     o



Personalities and celebrities born on February 20:
1920 – Eleuterio Adevoso, guerilla leader (with nom de querre “Terry Magtanggol”), politician and one of the founders of the Progressive Party of the Philippines – in San Juan, Metro Manila. (d. March 22, 1975).
1932 – Adrian E. Cristobal, journalist, essayist, historical writer, newspaper columnist, and award-winning playwright. (d. December 22, 2007). 
1942 – Babalu (real name Pablito Sarmiento Jr), actor-comedian (d. August 27, 1998).



Para Sa Isa’t-isa
Romnick Sarmienta and Harlene Bautista on the
cover of Mr. & Ms. Magazine Vol. XXIII No. 41,
February 20, 2001.
         Sa larangan ng showbiz, bibihira ang mga itinakdang tunay na pag-iibigan, na sinasabi sa English na “meant to be” o tunay na para sa isa’t-isa. Sina Romnick Sarmienta at Harlene Bautista ay isang maituturing ng “rare example.” Noong sila ay mga bata pa, pinagtambal sila, nagkagustuhan at nagkaibigan. Si Harlene ang unang pag-ibig ni Rominick at si Romnick ang unang pag-ibig ni Harlene. Ngunit dahil mga bata pa, nagkalabuan at nagkahiwalay. Nagkaroon ng kaniya-kaniyang relasyon, na hindi naging matagumpay. Matapos ang mahigit 12 taon, muli silang nagkita. At kung tadhana ang nagtakda, di man maintindihan, ang pag-ibig ay magkakaroon ng katuparan. Nagpasiya silang magpakasal noong December 1999, bago matapos ang ikalawang mileniyo. 
                             o     O     o






Steve Jobs on the cover of Wire Magazine
February 1996 issue.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba na si Steve Jobs, ang yumaong co-founder ng Apple Computers, ay isang dyslexic? Si Steve Jobs (1955-2011) ay likas na may suliranin sa pagbabasa, pagsusulat at pagbabaybay. Subalit hindi ito naging sagabal upang lumitaw ang kaniyang pagiging henyo. Katunayan, marami sa mga kinikilalang nabuhay na henyo sa buong mundo ay nagkaroon ng kabanata ng dyslexia nang kanilang kabataan, kabilang sina Alexander Graham Bell, Albert Einstein, Henry Ford, Isaac Newton at Leonardo da Vinci.
                             o     O     o

 
Quote of the Day
“Your time is limited, so don’t waste it living someone else’s life. Don’t be trapped by dogma — which is living with the results of other people’s thinking. Don’t let the noise of others’ opinions drown out your own inner voice. And most important, have the courage to follow your heart and intuition. They somehow already know what you truly want to become. Everything else is secondary.” – Steve Jobs, Stanford commencement speech, June 2005.

“Of Apples and Geniuses” (Digital artwork created by Ernee Lawagan, October 9, 2011)


No comments:

Post a Comment