Showing posts with label Picture Show. Show all posts
Showing posts with label Picture Show. Show all posts

Wednesday, October 31, 2012

October 31



OCTOBER 31
Picture Show (and TV Mirror) October 31, 1959
On the Cover: Doris Day and Rock Hudson (1925-1985) for the film Pillow Talk

Noong Oktubre 31, 1936, itinatag ang samahang Boy Scouts of the Philippines.
                                                          o     O     o

          Ang Gintong Alay, isang sports program ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ay itinatag noong Oktubre 31, 1979. Ang training camp nito ay itinayo sa Baguio City kung saan nagsasanay ang mga atletang Filipino. Naging matagumpay ang programang ito sa paghubog ng kamalayan sa palakasan ng mga ordinaryong mamamayan bukod sa paghahanap at pagsasanay ng mga magagaling na atletang nabigay karangalan sa Pilipinas sa mga pandaigdiggang paligsahan.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on October 31:
1870 – Quintin Salas, revolutionary leader in Panay during the American Occupation – in Dumangas, Iloilo (January 24, 1917).
1877 – Carlos V. Ronquillo, writer and newspaperman – in Floridablanca, Pampanga (October 18, 1941).
1942 – Eduardo de los Santos Castrillo, award-winning sculptor – in Santa Ana, Manila.
1946 – Helen Vela, actress, broadcaster and producer – in Manila (d. February 14, 1992).
1955 – Connie Angeles (full name Fe Consuelo Angeles), actress and politician – in Quezon City.
1956 – Christopher de Leon (full name Christopher Strauss de Leon), actor and politician – in Manila. 
Christopher de Leon
on the covers of TSS Komiks Weekly (with Vilma Santos, November 12, 1975)
and Jingle Extra Hot (with Nora Aunor and Vilma Santos, January 14, 1980)
1968 – Roy V. Aragon, poet and fictionist – in Mabasa, Dupax del Norte, Nueva Vizacaya.




Audrina Patridge on the cover of
Maxim (October 2009).
Picture Trivia
          Actress-model Audrina Patridge was dabbed the “Queen of The Hills” by Maxim magazine. She is the longest serving original cast member of the MTV reality series The Hills (2006-2010). Counting tht episodes, however, Heidi Montag appeared in 105 episodes, one more than Patridge.
                             o     O     o






Thursday, March 22, 2012

March 22




MARCH 22
Pilipino (Komiks) Illustrated Stories Taon 57 Blg. 3211, Marso 22, 2004
Tampok sa taklob-pahina ang “Balbon” na katha ni Rod Santiago

GLIMPSE FROM THE PAST
On the cover of vintage Picture Show Vol. 10 No. 265, March 22, 1924,
Pola Negri (1897-1987) and Conrad Nagel (1897-1970) for the film Bella Donna (1923),
Rudolph Valentino (1895-1926) and Alice Terry (1900-1987) for Four Horsemen of the Apocalypse (1921),
and Ramon Novarro (1899-1968) at Alice Terry for Where the Pavement Ends (1923).


Marso 22 sa Kasaysayan ng Pilipinas
          Noong Marso 22, 1897, ang Tejeros Convention ay ginanap sa Barrio Tejeros, San Francisco de Malabon, Cavite. Dito, nagpulong ang dalawang lapian ng Katipunan sa lalawigan ng Cavite, ang Magdalo at ang Magdiwang upang pag-usapan kung nararapat ng magtatag ng bagong pamahalaan na kahalili ng Katipunan. Sa naturang pagpupulong, naihalal na pangulo si Emilio Aguinaldo, pangalawang pangulo si Mariano Trias, Kapitan-Heneral si Artemio Ricarte, Punong-Tagapangasiwa ng Digmaan si Emiliano Riego de Dios at Tagapangasiwa ng Usaping Pangloob si Andres Bonifacio. Subalit tinutulan ni Daniel Tirona ang pagproklama kay Bonifacio sa dahilang hindi ito isang abugado. Nainsulto si Bonifacio sa ginawa ni Tirona, kaya Tagapangulo ng pagpupulong at Pangulo ng Konseho Supremo ng Katipunan, pinawalang bisa niya ang Tejeros Convention at ang halalang naganap sa pagpupulong.
                                                          o     O     o

          Ang pamamahala at kapangyarihan ng Sultanate ng Jolo ay nagwakas noong ika-22 ng Marso, 1915.
                                                          o     O     o

          Ang mga pamilya ng mga pro-Japanese collaborators na si President Jose P. Laurel Sr at House Speaker Benigno S. Aquino Sr ay lumisan patungong Japan noong Marso 22, 1945 upang humingi ng asylum at political refuge.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on March 22:
1863 – Mariano Ponce, writer, folklorist, member of the Propaganda Movement, diplomat, and among the founders of La Solidaridad and Asociacion Hispano-Filipino – in Baliwag, Bulacan (d. May 23, 1918).
1869 – Emilio Aguinaldo, President of the First Philippine (Malolos) Republic – in Kawit, Cavite (d. February 6, 1964). Note: According to Aguinaldo’s Partida de bautismo (birth certificate), he was born on March 26, 1869, but according to his mother’s account his birthdate is March 22, 1869. Aguinaldo himself celebrated his birth on March 22. Consequently, this is credited as his birthday.
1981 – Karylle (full name Ana Karylle Padilla Tatlonghari), singer, actress and television host – in Manila.
Karylle
on the cover of MOD (June 23, 2006), Mega (April 2009) and Bannawag (November 28, 2011)


Vietnamese leader Ho Chi Minh on the cover of Life
(March 22, 1968).
Picture Trivia
          Ho Chi Minh (born Nguyen Sinh Cung, 1890-1969) was a Vietnamese Marxist-Lenninist leader that became prime minister (1945-1955) and president (1945-1969) of the Democratic Republic of Vietnam (North Vietnam). Ho was an instrumental foundation in the establishment of the People’s Army of Vietnam and the Viet Cong at the height of the Vietnam War until his death. He fought for unity and independence of North and South Vietnam against invading countries like France and the United States.
          On Mayo 1, 1975, after the Vietnam War, to honor him and his works, the capital city of the Republic of Vietnam, Saigon, was renamed Ho Chi Minh City. Even the UNESCO gave honor and recognition for his heroism and works for Vietnam in the fields of education, arts and culture, and for his dedication for the attainment of independence, unity and democracy in Vietnam.         
 
                             o     O     o







Thursday, January 5, 2012

January 5

   
January 5
MOD Filipina Vol. 22 No. 957, January 5, 1990
On the cover: Shirley Guevarra Borja


Enero 5 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Unang lumabas sa sirkulasyon ang monthly magazine na Revista Augustiniana noong Enero 5, 1881.
                                                          o     O     o

           Ang Philippine Naval Patrol, na nauna ng tinawag na Off-shore Patrol, ay pinasinayaan bilang Philippine Navy noong Enero 5, 1951.
                                                          o     O     o


GLIMPSE FROM THE PAST
American silent-film actress and occult enthusiast May McAvoy (1899-1984)
on the cover of vintage Picture Show (January 4, 1924)
holding a crystal ball with a question “What will 1924 bring to you?

Pinoy personalities and celebrities born on January 5:
1855 – Telesforo Antonio Chuidian, businessman and member of the Malolos Congress. (d. April 11, 1903).
1981 – Kyla (real name Melanie Hernandez Calumpad), singer-songwriter and actress – in Tondo, Manila.

Kyla
on the cover of Bannawag (November 30, 2015)
 
 
PARADOKSIKO

          Ang paradoksiko o paradox ay isang paglalahad na maaaring totoo kung babasahin o iisipin sa unang tingin subalit kung susuriin ay kabalintunaan o kumokontra mismo sa katotohanang inilahad.
                                                         o     O     o

          Narito ang isang halimbawa ng paradoksiko: “Ang barbero sa isang nayon ay nagsabing siya ang umaahit sa lahat ng mga lalaki na hindi nag-aahit sa kaniyang sarili sa buong nayon.” Pag-aralang mabuti ang pangungusap. Sa unang tingin, walang mapapansing kakatwa, hanggang magkaroon ng katanungan: “Sino ang nag-aahit sa barbero?” Dito magsisimula ang kontradiksyon.
          Kung hindi nag-aahit sa sarili ang barbero, kabilang siya sa mga lalaki sa nayon na hindi nag-aahit sa sarili. Samakatuwid, siya ay inaahitan ng barbero, na walang iba kundi siya mismo. Datapuwa’t hindi nga niya inaahitan ang kaniyang sarili! Kung inaahitan naman niya ang kaniyang sarili, hindi siya nabibilang sa mga inaahitan ng barbero. Datapuwa’t siya nga ang barbero!
                                                         o     O     o

          Ang pinakamatandang tala tungkol sa paradoksiko ay ang kay Epimenides (c. 600 B.C.), philosopher-poet na taga-Creta, na nagsabi na “Ang lahat ng mga taga-Creta ay sinungaling.” Ito ay nangangahulugang ang lahat ng sabihin ng mga taga-Creta ay hindi totoo. Subalit si Epimenides ay taga-Creta rin. Samakatuwid ang sinabi niya ay hindi rin totoo. Dito umiikot ang walang hanggang kontradiksyon. Ito ang tinatawag na Pardox of Epimenides, na siyang naging pundasyon ng daigdig ng Paradoksiko.
                                                         o     O     o


Ang kathang-isip ni Mars Ravelo na
“Darna at ang Babaeng Lawin”
na iginuhit ni Nestor Redondo,
tampok sa taklob-pahina ng
Pilipino Komiks (Enero 5, 1952)
Larawang Tribiya
          Sa kasaysayan ng komiks, ang katha ni Mars Ravelo na Darna ang maituturing na pinaka-popular na superhero. May mga nagsasabing siya ay kinopya lamang kay Wonder Woman, subali’t sa katotohanan ito ay kabaliktaran. Bagama’t naunang nailimbag ang Wonder Woman ni William “Charles Moulton” Marston, ang konsepto ng “Suprema: Ang Kamangha-manghang Dilag” (1939) ni Ravelo na siyang pinagmulan ng Varga at Darna ang siyang nauna.
          Si Rosa del Rosario ang unang gumanap na Darna sa pinilakang-tabing. Dalawang pelikula ang kaniyang pinagbidahan: Darna (1951) at Darna at Ang Babaeng Lawin (1952). Ang unang makapangyarihang nilalang na nakalaban ni Darna ay si Valentina, na unang ginampanan sa pelikula ni Cristina Aragon. Ang ikalawa ay ang “babaeng lawin” na ginampanan naman ni Elvira Reyes.