Saturday, April 7, 2012

April 7


April issues of different magazines

April 7
Aliwan Blg. 85, Abril 7, 1947
Tampok sa harapang taklob-pahina ang nobela ni Alberto Segismundo Cruz
na "Malagas Man Ang Bulaklak"
at sa likuran naman ay ang "Mga Kamalian sa Loob ng Sine"
na iginuhit ni Lib Abrera.



Marilyn Monroe (The Talk of Hollywood) on her first
cover page, Life Magazine, April 7, 1952 issue.
UNANG LABAS 
Ang kauna-unahang taklob-pahina (cover page) na nilabasan ni Marilyn Monroe ay sa Life magazine April 7, 1952 issue. Sa sumunod na taon matapos ito, ang 25-anyos na si Monroe ay naging isang major star sa Hollywood.



















Events that happened on April 7
1521 – Ferdinand Magellan reached Cebu Island.
1970 – An Intensity 7 earthquake rocked Luzon for 45 seconds.
1976 – The National Art Center (NAC) was inaugurated as an institution for the artistic development of young Filipinos under the administration of the Cultural Center of the Philippines.
1978 – Members of the Interim Batasang Pambansa were elected.


Personalities and celebrities born on April 7:
1871 – Epifanio Cristobal de los Santos, historan, archivist, literary and art critic, jurist, artist and journalist – in Malabon (then part of Rizal Province). (d. April 18, 1928)
1936 – Louie Beltran (full name Luis Diaz Beltran), journalist, columnist, editor, and television host – in Manila. (d. September 6, 1994)
1939 – Saturnino “Satur” Cunanan Ocampo, journalist, writer, political activist and partylist representative.
1967 – Stella Suarez Jr (real name Maria Cecilia Raquel Gomez), actress – in Manila.




Ang nobelang-komiks na “Botong” na
isinulat ni Mars Ravelo sa ilalim ng penname
na Virgo Villa at iginuhit ni Abe Ocampo,
Universal Komiks Blg. 80, Abril 7, 1967.
Ang Nobelang Komiks na “Botong”
          Sa katanyagan ni Mars Ravelo (1916-1988), noong 1950-1970 kinakailangan niyang gumamit ng mga penname upang hindi naman masabi ng mga mambabasa na pulos na lang mga likha niyang kuwento ang lumalabas sa mga komiks at magasin. Isa sa mga ginamit niya ay ang “Virgo Villa.” Sa penname na ito sinulat niya ang nobelang “Botong” para sa Universal Komiks, isa sa mga pangmasang babasahin na inilunsad ng P.S.G. Publication ni Pablo S. Gomez noong 1960s. Unang lumabas ang “Botong” noong Agosto 13, 1966, at ito ay iginuhit ni Abraham "Abe" Ocampo.
                             o     O     o









Larawang Tribiya
Si Natasha Henstridge sa taklob-pahina ng
Stuff April-May 2000 issue.
          Unang nakilala ang Canadian actress at dating fashion model na si Natasha Henstridge sa pelikulang Species (1995) bilang ang genetically engineered alien-human hybrid na si Sil at sa sequel nito na Species II (1998) bilang ang genetic duplicate ni Sil na si Eve. Tumatak din sa isipan ng mga manunood ang kaniyang pagganap bilang Cynthia Tudeski sa The Whole Nine Yards (2000) at sa sequel nito na The Whole Ten Yards (2004).
          Noong taong 2000, bukod sa The Whole Nine Yards, lumabas din siya sa mga pelikulang Bounce (bilang Mimi Prager), Second Skin (Crystal Ball), It Had to Be You (Anna Penn) at A Better Way Out (Kelly). Nang taong ding ito lumabas siya sa television miniseries na Jason and the Argonauts bilang ang reyna ng Lemnos na si Hypsipyle.
                                      o     O     o

1 comment:

  1. Sobrang galing! Wala akong masabi, kundi dagdagan mo pa.

    ReplyDelete