Wednesday, February 1, 2012

February 1

ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)

   
Ang Buwan ng February

          Ang February o Pebrero ay ang pangalawang buwan sa Gregorian Calendar, na mayroon lamang 28 araw at karagdagang isang araw tuwing ikaapat na taon o leap year, katulad ng 2008 at 2012. Para sa mga Filipino, itinuturing itong buwan ng pag-ibig dahil sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.
                                                          o     O     o

          Alam niyo ba kung saan nagmula ang salitang February? Ang pangalan ng buwang ito ay halaw sa salitang Latin na februa, na ang ibig sabihin ay “gawing dalisay o malinis.” Noong ancient Rome naman, ang Festival of Februa, isang natatanging ritwal o pagdiriwang ng paghingi ng kapatawaran o pagsisisi at paglilinis, ay ginaganap tuwing ika-15 ng buwan ng ikalawang buwan ng taon.
                                                          o     O     o

          Ang Valentine’s Day ay iniuugnay sa paganong pagdiriwang ng Lupercalia, bilang parangal sa Roman god of fertility and agriculture na si Faunus (Pan sa mga Greek). Tuwing ika-15 ng ikalawang buwan ng taon, dalawang kambing at isang aso ang iniaalay sa Lupercal Cave sa paanan ng Mount Aventine bilang pagbubunyi kay Faunus.
                                                          o     O     o

          Ang amethyst ang birthstone ng buwan ng February, samantalang ang violet at primerose ang mga itinuturing na “flowers of the month.”
                                                          o     O     o



FEBRUARY 1
Hiwaga Komiks Blg. 270, Pebrero 1, 1961
Tampok sa taklob-pahina ang nobelang “Octavia” na kinatha ni Pablo S. Gomez
at iginuhit ni Federico C. Javinal
 
Events that happened on February 1
1814 – The most destructive eruption of Mayon Volcano, when the towns of Camalig, Cagsawa, and Budiao, and half of Guinobatan, were laid in ruins by heavy lava flow, and killing around 12,000 residents.
1854 – Issuance of the first stamp in the Philippines bearing the portrait of Queen Isabela II of Spain.
1904 – William Howard Taft (1857-1930), the first civil governor of the Philippines, was succeeded by Luke Edward Wright (1846-1922). Taft would later become the 27th president of the U.S. (1909-1913).
1934 – The Narra (Pterocarpus indicus) and Sampaguita (Jasminum sambac) were declared National Tree and National Flower, respectively, by American Governor-General Frank Murphy (1831-1959).
1939 – The Philippine Constabulary was established as a police force independent of the Philippine Army.
1987 – Colonel Rolando Cabauatan led rebel soldiers in a coup d’etat against Pres. Corazon Aquino’s “de facto” government.



 UNANG LABAS
          Ika-1 ng Pebrero 1900 nang itatag nina Carlson Taylor at H. G. Farris ang Manila Daily Bulletin (ito ang Manila Bulletin sa kasalukuyan), ang pinakamatandang pahayagang lumalabas sa sirkulasyon sa Pilipinas.
                                       o     O     o
 

Personalities and celebrities born on February 1:
1663 – Ignacia Jeronima Luco, Catholic nun and venerable better known as “Mother Ignacia” – in Binondo, Manila. (d. September 10, 1748)
1863 – Jose Ma. Panganiban, writer and propagandist – in Mambulao (now Jose Ma. Panganiban), Camarines Norte. (d. August 19, 1890)
1863 – Ignacio Villamor, lawyer, first president of the University of the Philippines and associate justice of the Supreme Court – in Bangued, Abra. (d. May 23, 1933)
1898 – Cecilio F. Lopez, academician, linguist, scholar and pioneer expert on Philippine languages – in Marikina. (d. September 5, 1979)
1981 – Jay R (real name Gaudencio Aquino Sillona III), singer-songwriter, actor, record producer and model – Los Angeles, California.
 



Ang Lastikman ni Mars Ravelo
Si Latikman tampok sa taklob-pahina ng
Aliwan Komiks Magasin (Pebrero 1, 1965)
Unang lumabas ang Lastikman na kinatha ni Mars Ravelo para sa Aliwan Komiks noong Disyembre 7, 1964. Ito ay iginuhit ni Mar T. Santana. Si Lastikman ay isang nilalang na mula sa ibang planeta na may kapangyarihang hubugin ang katawan sa ano mang hugis na naisin niya. Isinapelikula ito at ang karakter ay ginampanan ni Von Serna. Makalipas ang 41 taon, nagkaroon muli ng pelikulang Lastikman, na ginampanan naman ni Vic Sotto. Pinagtiyap na sa dalawang pelikula, ang mga artistang gumanap na Lastikman ay may initials na “V. S.”
Ang sumunod na pakikipagsapalaran ni Lastikman ay nagsimula naman sa Holiday Komiks Blg. 134 noong Abril 27, 1968, na iginuhit naman ni Vir Aguirre.










Larawang Tribiya 
Isang cover page spread illustration nina Romeo Vasquez and Amalia Fuentes
na nasa bingit ng paghihiwalay – “Dear Romeo, Amalia: Huwag naman....
alang-alang kay Liezl” ng Pilipino Komiks (February 1, 1968).
Ang pelikulang Pretty Boy (1957)
na pinagbidahan sa unang pagkakataon
nina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.
          Si Amalia Fuentes at Romeo Vasquez ay unang nagtambal sa pelikulang  Pretty Boy noong 1957 sa ilalim ng Vera-Perez Pictures na isang sister company ng Sampaguita Pcitures. Ito ay tinampukan nina Van de Leon, Rosa Mia, Amalia Fuentes at Romeo Vasquez bilang “Pretty Boy” sa ilalim ng direksiyon ni Armando Garces. Halaw ang pelikula sa kuwento ni Rico Bello Omagap.                  
          Naging magkabiyak sila at ikinasal noong 1965, subalit matapos lamang ang humigit-kumulang tatlong taon, sila ay nagkaroon ng break-up, at tuluyang naghiwalay noong September 30, 1969. Nagkaroon sila ng isang anak, si Liezl.
                        o     O     o

















3 comments:

  1. Ang ganda ng mga laman ng blog na ito.

    ReplyDelete
  2. Super galing. Lahat ng contents ay superb! Pati Bannawag - naglaeng!

    ReplyDelete