The Daily Sun Vol. 1 No. 80, Hunyo 18, 2013
Tampok sa pabalat ang headline na
“Contact Numbers ni P-Noy Na-Hack!”
na isinulat ni Kristopher Loyola.
|
Ito ang unang pagkakataon na ang isang
editorial na isinulat ko ay nailimbag sa isang pahayagan, The Daily Sun (Hunyo 18, 2013), bagama’t ako ay nakapagsulat na
bilang “ghostwriter” ng ilang editorials noon pa mang ako ay nasa 5th year
college sa pamamatnugot ng dalawang batikang mamamahayag na sina Alejandro
“Tito Anding” R. Roces at Ginoong Louie Beltran. Nakapagsulat na rin ako ng
semi-editorial column sa Men’s World
na may pamagat na Humor & Rage
(Tignan ang susunod na post).
Ang Kadyot Pakalikot
ni Estong Payatot ay naisip kong isang nakatutuwang pamagat na nakatatawag
pansin rin sa mga mambabasa, bukod sa ako rin naman ay may kapayatan.
Maituturing na ang “kadyot pakalikot” ay isang pariralang may “double meaning,”
manapa’y ang isang pahiwatig ay seksuwal ang dating. Sa higit na malalim na
hiwatig, ang nais kong ipakahulugan dito ay “punang malalim at humahalukay.” Para
sa unang kadyot, pinuna ko ang mga “kahayupan” ng paligid at pagkakataon.
“May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad,
oo, apat na mainam sa lakad: Ang leon na pinakamatapang sa mga hayop, at hindi
humihiwalay ng dahil sa kanino man; ang asong matulin; ang kambing na lalake
rin naman; at ang hari na hindi malalabanan.” – Mga Kawikaan 30:29-31, Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.
No comments:
Post a Comment