Thursday, June 7, 2012

June 7


JUNE 7
Look June 7, 1949
On the Cover: The 50-year-old Humphrey Bogart and his 25-year-old wife Lauren Bacall
with their first child Stephen.

UNANG LABAS
Ang Makabayan Komiks ay isang natatanging babasahin na masasabing bibihira ang nakakaalam. Ang unang labas nito na may petsang Hunyo 7, 1963 ay nagtampok sa unang bayaning Filipino na si Lapu-Lapu (1491-1542) sa pabalat at sa isang tapusang kuwento ng kaniyang buhay at sa kaniyang pakikihamok sa mga mananakop na Kastila na pinamunuan ni Fernando de Magallanes (Ferdinand Magellan, 1480-1521). Si Zenaida A. Torres ang sumulat ng iskrito ng makasaysayan kuwento na iginuhit ni Vidal Malatbalat.  
Ang unang labas ng Makabayan Komiks, Hunyo 7, 1963. Nasa pabalat at unang limang panloob na pahina ang kuwentong “Lapu-Lapu” na isinulat ni Zenaida A. Torres at iginuhit ni Vidal Malatbalat.


UNANG LABAS
The cover page of Bukol Express Vol.1 No.1
(Scan contributed by unknown "friend.")
Narinig niyo na ba o nakakita na kayo ng babasahing ang pamagat ay Bukol Express Magazine? Bagama’t walang makikitang petsa sa taklob-pahina nito, ayon sa hindi nagpakilalang collector, ito ay inilabas noong Hunyo 7, 1970 ng Atis Palimbagan. Sinasabing ito ay katipunan ng mga iba’t-ibang artista, karakter sa mga komiks at likhang-sining na may sundot ng katatawanan at konting kaseksihan. Maraming pangalan ang nabanggit: Larry Alcala, Hugo Yonzon, Ely Santiago, etc. Nakasulat sa itaas ng pamagat ng magasin: “Ang Kuyukot ng Filipino Humor.” Ang “kuyukot” ay isang salitang Tagalog na tumutukoy sa dulong-bahagi ng gulugod o spinal column, ang bahaging pinakamalapit sa tumbong o rectum! Mapapansin namang nakasulat sa gitnang-ibabang bahagi ng taklob-pahina ang ““We support the Samahang Kartunista ng Pilipinas.”







Events that happened on June 7:
1940 – President Manuel L. Quezon proclaimed Tagalog as one of the Philippine official language beginning July 4, 1946.


Personalities and celebrities born on June 7:
1877 – Manuel Tinio, revolutionary general – in Aliaga, Nueva Ecija (d. February 22, 1924).
1903 – Roberto Concepcion, 10th Chief Justice of the Supreme Court (June 17, 1966 – April 8, 1973) – in Manila.



Humphrey Bogart as Captain Queeg,
for the film The Caine Mutiny, on the
cover of Time June 7, 1954 issue.
Larawang Tribiya
          Si Humphrey deForest Bogart (1899-1957) ay itinuturing ng American Film Institute na “Greatest Male Star in the History of American Cinema.” Nagsimula si Bogart noong 1921 sa mga Broadway productions. Noon namang 1930 lumabas siya sa mga pelikulang Broadway’s Like That, A Devil With Women, Up the River at Body and Soul. Unang nalasap ni Bogart ang tagumpay sa pelikula sa kaniyang pagganap bilang Duke Mantee sa The Petrified Forest (1936). Nagsimula siyang makilala bilang isang magaling na leading man noong 1941 sa mga pelikulang High Sierra at The Maltese Falcon. Nang sumunod na taon, narating niya ang rurok ng tagumpay at kasikatan bilang si Rick Blaine sa Casablanca (1943). Mula noon nagsunud-sunod na ang kaniyang mga pelikula. Sa pelikulang The African Queen (1951), napagwagian ni Bogart ang kaniyang kaisa-isang Academy Award para sa Best Actor.
          Nakilala ni Bogart si Lauren Bacall noong 1944 nang ginagawa nila ang pelikulang To Have and Have Not (1945). Si Bacall ay 19-anyos pa lamang noon samantalang si Bogart ay 44-anyos. Subalit hindi naging dahilan ang agwat ng edad nila upang mabuo ang isang pag-iibigang hahangaan sa buong Hollywood. Ikinasal sila noong May 21, 1945. Ang tambalang Bogart-Bacall ay nakagawa ng limang pelikula na lahat halos ay pumatok sa takilya: To Have and have Not (1945), Two Guys from Milwaukee (1946), The Big Sleep (1946), Dark Passage (1947) at Key Largo (1948).
          Noong 1954, apat na pelikula ang ginawa ni Bogart at lahat ng mga ito ay pumatok sa takilya: Beat the Devil, Sabrina, The Barefoot Contessa at The Caine Mutiny kung saan gumanap siya bilang Captain Philip Francis Queeg.
                                      o     O     o


Wednesday, June 6, 2012

June 6



JUNE 6
Tagalog Klasiks Taon 9 Blg. 259, Hunyo 6, 1959
Nasa taklob-pahina ang nobela ni Pablo S. Gomez na “Pitong Gatang”
na iginuhit ni Fred Carillo.


UNANG LABAS
Ang kathang-isip ni Mars Ravelo na
“Captain Barbell” sa taklob-pahina ng
Pinoy Komiks Blg. 2, Hunyo 6, 1963
       Ang Captain Barbell ay unang lumabas kasabay ng
unang isyu ng Pinoy Komiks noong Mayo 23, 1963. Mula ito sa katha at kuwentong isinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Jim Fernandez. Sa ikalawang isyu (Hunyo 6, 1963), itinampok ito sa taklob-pahina ng Pinoy Komiks.
(Basahin ang hiwalay na artikulo sa “The Real Story Behind Captain Barebell.”)

















Events that happened on June 6:
1952 – The province of Zamboanga was divided into Zamboanga del Norte and Zamboanga del Sur by virtue of Republic Act No. 711.
1898 – General Emilio Aguinaldo upon surrounding the city of Manila, demanded the honorable surrender of Governor-General Basilio Agustin, which the latter refused.


Personalities and celebrities born on June 6:
1875 – Norberto Lopez Romualdez Sr, scholar, lawyer, jurist and National Language advocate – Burawen, Leyte (d. November 4, 1941).
1932 – Federico Aguilar Alcuaz, award-winning painter – in Sta. Cruz, Manila (d. February 2, 2011)
1956 – Bert “Tawa” Marcelo (full name Norberto Marcelo), actor, comedian and product endorser – Baliuag, Bulacan (d. December 16, 1995).
1960 – Ching Arellano (full name Francis Anthony A. Arellano), actor-comedian – in Malabon, Rizal (now Malabon City).
1968 – Kristine Garcia (real name Virnadeth Calimbajin), actress – in Manila.
1985 – Victor Basa, actor, model and television host – in Quezon City.


Ang Dumagit ni Francisco V. Coching
          Ang “Dumagit” ay nobelang isinulat at iginuhit ni Francisco V. Coching na lumabas sa mga pahina ng Pilipino Komiks (1953-1954) at isinapelikula ng Sampaguita Pictures noong 1954. Ito ay isang kuwento tungkol sa isang batang lalaking pinanganlang Dumagit na lumaki sa kagubatan kasama ng mga hayop.
Ang Pilipino Komiks Blg. 157 na may petsang
Hunyo 6, 1953, tampok sa taklob-pahina ang
nobelang-komiks ni Francisco V. Coching na
“Dumagit”
          Batay sa kuwento, napadpad sa isang isla ang mag-asawang Marina at Joaquin Olivar. Sa kagubatan ng islang ito namatay si Marina matapos ipanganak ang isang batang lalaking pinangalanang David. Itinaguyod ni Joaquin si David, at dahil sa kakaibang liksi ng bata, binigyan niya ito ng palayaw na “Dumagit.” Sa kasamaang-palad napatay ng mga mangangasong dumayo sa isla si Joaquin kaya mag-isang lumaki si Dumagit kasama ang kaniyang mga kaibigang hayop. Makalipas ang 20 taon, dumating sa isla si Federico, ang kapatid ni Joaquin. Kinuha niyang pabalik sa sibilisasyon si Dumagit, subalit hindi siya makaangkop sa mga kaugalian ng kalunsuran kaya higit na ninais ng binata na bumalik sa kinagisnang isla kasama ang kaniyang minamahal na katipan na si Marabini.
          Sa pelikula, si Cesar Ramirez ang gumanap na Dumagit kasama sina Myrna Delgado, Lolita Rodriguez, Van de Leon, na pinatnugutan ni Armando Garces.
                                                          o     O     o







Princess Leia (Carrie Fisher)
and Jabba the Hutt,
from a scene in the 1983 film
Star Wars Episode VI: Return of the Jedi,
on the cover of People Weekly
(June 6, 1983).
 
Picture Trivia
          Princess Leia and Jabba the Hutt are two characters in George Lucas’  Star Wars space saga Si Princess Leia at si Jabba the Hutt ay dalawang characters sa Star Wars space saga that are diametrically opposite. Princess Leia (portrayed by Carrie Fisher) is one of the leading characters of the original Star Wars Trilogy, the twin sister of the saga’s hero, Luke Skywalker, and the leader of rebel group that is fighting the “Empire.” Jabba the Hutt (voiced by Larry Ward), on the other hand, is a supporting character, a villain, a 600-year-old crime lord in the desert planet Tatooine. Princess Leia symbolizes good, beauty, and loyalty to her companions while Jabba is the epitome of evil, ugliness and cruelty to his minions.










Tuesday, June 5, 2012

June 5

 
 
JUNE 5

Time Vol. 155 No. 23, June 5, 2000
On the cover: Photographic illustration of “What ECSTASY Does to Your Brain”

UNANG LABAS
Ang Good Life Magazine ay unang lumabas sa sirkulasyon noong June 5, 1996. Ito ay inilimbag ng Bonum Publicum Inc., at naglalaman ng mga informative aricles tungkol sa mga iba’t-ibang paksa at personalidad. Subalit tumagal lamang ito ng walong buwan sa sirkulasyon. Sa unang labas, ito ay pinatnugutan ni Edwin P. Galvez. Siya ay hinalinhan ni Joanna D. Nicolas sa mga sumunod na isyu.
The first two issues of Good Life:
On the left, Vol. 1 No. 1, June 1996, cover photo is from the Department of Tourism.
On the right, Vol. 1 No. 2, July 1996, cover is an original painting of Hydie Dawn Almario.
Events that happened on June 5:
1754 – King Ferdinand VI issued a decree providing for the compulsory teaching of Spanish in all the schools in the Philippines.
1899 – General Antonio Luna and his aide-de-camp Colonel Francisco Roman were assassinated by General Emilio Aguinaldo’s bodyguards at Cabanatuan, Nueva Ecija.


GLIMPSE OF THE PAST
Hong Kong-born Hollywood actress Nancy Kwan
on the cover of Parade (June 5, 1960).
 
Personalities and celebrities born on June 5:
1982 – Baron Geisler (full name Baron Frederick von Geisler), actor – in Clark Air Base, Angeles City, Pampanga.
1989 – Megumi Nakajima, Japanese-Filipino singer and voice actress – in Ibaraki Prefecture, Kanto, Honshu, Japan.

 

Hedy Lamarr on the cover of Look (June 5, 1951).
Larawang Tribiya
         Isa sa mga tinaguriang pinakamagandang bituin ng MGM “Golden Age” ay ang Austrian-born Hollywood actress na si Hedy Lamarr (tunay na pangalan Hedwig Eva Maria Lichtwitz Kiesler, 1913-2000). Narating niya ang tugatog ng kasikatan sa pagganap bilang Delilah sa pelikula ni Cecil B. DeMille na Samson and Delilah, ang highest-grossing film ng 1949.
          Noong 1951, napangasawa ni Lamarr ang nightclub owner, restaurateur, at dating bandleader na si Ernest “Ted” Stauffer (1909–1991). Nang taon ding iyon nakatambal niya ang komedyanteng si Bob Hope sa pelikulang My Favorite Spy.
          Isa pang hindi malilimutang pagganap ni Lamarr ay bilang Joan of Arc sa epiko ni Irwin Allen na The Story of Mankind (1957).
                             o     O     o


Monday, June 4, 2012

June 4


JUNE 4
Lingguhang Darna Komiks Blg. 789, June 4, 1984
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Huwag Mo Kaming Isumpa” ni Gilda Olvidado

MUKHA NG NAKARAAN
Isang ilustrasyon ng tradisyunal ng pagpapangko
ng lalaking bagong kasal sa kaniyang kabiyak papasok sa kanilang tahanan,
nasa taklob-pahina ng isang antigong babasahing Liberty na may petsang June 4, 1938.

Events that happened on June 4:
2010 – Manny Pacquiao was named “Fighter of the Decade” by the Boxing Writers Associations of America (BWAA) in the award ceremony held at the Roosevelt Hotel in New York City.


Personalities and celebrities born on June 4:
1884 – Francisco Benitez, educator and founder the Philippine Journal of Education – in Pagsanjan, Laguna (d. June 30, 1951).
1903 – Francisco B. Icasiano, writer and editor – in San Rafael, Bulacan (d. 1945).
 


Arnold Schwarzenegger on the cover of
Joe Weider’s Muscle June 1979 issue
Larawang Tribiya
          Si Arnold Schwarzenegger ang pinakabatang nagwagi ng titulong Mr. Olympia, sa edad na 23-anyos, noong 1970. Noong 1975 matapos magwagi ng ikaanim na beses sa Mr. Olympia, kung saan tinalo niya si Lou Ferrigno, sinabi niyang magreretiro na siya sa bodybuilding. Noon namang 1980, dahil sa masigasig na pagsasanay na ginagawa niya para sa kaniyang papel sa pelikula bilang Conan, napanatili ni Schwarzenegger ang maganda niyang pangangatawan at nagdesisyon siyang muling lumahok sa Mr. Olympia. Muli siyang nagwagi sa ikapitong pagkakataon.
          Sa pelikula, una siya lumabas sa Hercules in New York (1969) kung saan ginamit niya ang screen name na Arnold Strong.
          Nag-auditioned si Schwarzenegger para sa television series na The Incredible Hulk (1978-1982) pero hindi siya natanggap dahil kulang siya sa tangkad (wala pa siyang 6’2”). Si Lou Ferrigno na may taas na 6’5” ang nakakuha ng role.
          Noong 1979, lumabas siya sa dalawang pelikula, sa The Villain (sa papel na Handsome Stranger) kasama sina Kirk Douglas (Cactus Jack) at Ann-Margret (Charming Jones) at sa Scavenger Hunt (sa papel na Lars) na pinagbidahan nina Richard Benjamin at James Coco.
                             o     O     o




Sunday, June 3, 2012

June 3



JUNE 3
Mr. & Ms. Magazine Vol. 27 No. 7, June 3, 2003
On the Cover: Richard Gutierrez and Chynna Ortaleza

Events that happened on June 3:
1571 – Battle of Bangkusay between Filipinos led by Rajah Soliman and Spaniards led by Martin de Goiti.
1898 – Spanish troops stationed in Calamba surrendered to Filipino forces led by Paciano Rizal.
1907 – The Centro Escolar de Señoritas (now Centro Escolar University) was founded.


Personalities and celebrities born on June 3:
1876 – Jose Palma, poet, writer, revolutionary worker and author of the Philippine National Anthem – Tondo, Manila (d. February 12, 1903)
1887 – Maximo de los Reyes, Tagalog writer, editor and congressman of Bataan.  
1905  – Isaac Tolentino, newspaper columnist, cartoonist, painter and komiks editor.
1945 – Ramon Pereyra Jacinto, musician, entrepreneur and founder of DZRJ radio stattion – in Makaty City.
1948 – Bong Coo (full name Olivia Garcia Coo), champion bowler and “Asia’s Bowling Queen” – in Manila.


The Statue of Liberty on the cover of Life
June 3, 1940 issue
Larawang Tribiya 
          Ang Statue of Liberty sa Liberty Island sa New York harbor ay isang rebulto ng babaeng may hawak ng sulo at ng Tabula ansata o tapyas ng batong nagpapaalaala ng batas, at sumasagisag kay Libertas, ang diyosa ng kalayaan ng mga Romano. 

The Statue of Liberty and
its designer Frédéric
Bartholdi on the cover of 
 vintage Frank Leslie’s
Illustrated Newspaper,
June 13, 1883 issue
(scan courtesy of Ana
Marinette S. Abe, from
the Hironoki Collections).
         Ang statue ay idinisenyo ng French scuptor na si Frédéric Auguste Bartholdi (1834-1904) at may taas, mula sa ground level hanggang sa pinakadulo ng liyab ng sulong hawak ni Libertas, na 305 talampakan at isang pulgada (humigit-kumulang 93 metro). Ito ay may bigat na 450,000 pounds (204.1 metric tons).
                                         o     O     o




Saturday, June 2, 2012

June 2


JUNE 2
Hiwaga Komiks Taon 4 Blg. 96, Hunyo 2, 1954
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Tagapagmana” ni Deo C. Gonzales
na iginuhit ni Amado de la Cruz.
 
UNANG LABAS
Ang unang labas ng Kidlat (Aliwan ng Bayan)
na may petsang Hunyo 2, 1952, tampok
si Tessie Quintana sa taklob-pahina.

          Ang Kidlat (Aliwan ng Bayan) ay komiks na unang inilabas ng Marte Publication noong Hunyo 2, 1952. Tampok sa taklob-pahina nito si Tessie Quintana na gumanap na isa sa mga pangunahing bituing babae sa pelikulang Tenyente Carlos Blanco (1952) ng LVN Pictures. Naglalaman ang babasahing ito ng mga artikulo tungkol sa mga artista sa pelikula at radyo at mga kuwento komiks kabilang ang “Mga Bayani ng Lahi” (isinulat ni Alberto Crus at iginuhit ni Ric Hernandez), “Siningil ng Kidlat” (isinulat ni Asuncion Cruz-Santos at iginuhit ni Valentino Manalastas), at “Tagdan ng Dalawang Bandila” (isinulat ni Santos Perona at iginuhit ni Ben Maniclang) .
          May apat na iba’t-ibang babasahing komiks na lumabas sa sirkulasyon na “Kidlat” ang pamagat. Ang inilimbag ng Marte Publication ang kauna-unahan sa mga ito.








Events that happened on June 2:
1823 – A mutiny was led by Spanish mestizo Captain Andres Novales against the Spanish authorities in Manila.
1898 – The Spanish troops led by General Leopoldo Garcia surrendered to Filipino forces in Cavite.
1942 – President Manuel L. Quezon addressed the United States House of Representative on the Pacific war situation.


Personalities and celebrities born on June 2:
1939 – Celia Rodriguez (real name Cecilia Rodriguez), award-winning actress – Irosin, Sorsogon.
1955 – Danilo Delapuz Lim, military officer and public official – Solano, Nueva Vizcaya.
1965 – Rey P. J. Abellana (full name Reynante Razon Abellana), actor – in Silay City.




       Miss Universe 1994 Sushmita Sen on the cover
            of Celebrity World (June 2, 1994).
Larawang Tribiya
          Si Sushmita Sen ng India ang itinanghal na Miss Universe sa ika-43 patimpalak-gandahang ito na ginanap sa Philippine International Convention Center noong Mayo 20, 1994.
          Alam niyo bang sa 1994 Miss India, nagtabla sina Sushmita Sen at Aishwarya Rai sa pangunang puwesto sa final round ng patimpalak? Kinailangan ng mga hurado na magbigay sa kanila ng isa pang katanungan upang maalaman kung sino ang magwawagi at kung sino ang papangalawa. Matapos ang dagdag na katanungan ay itinanghal si Sushmita Sen na nagwagi. Hindi nagkamali ang mga hurado sapagkat itinanghal nga ring Miss Universe 1994 si Sushmita Sen. Hindi rin naman nadehado si Aishwarya Rai na sumunod na nagwagi ng titulong Miss World 1994.
                                      o     O     o





Friday, June 1, 2012

June 1


ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)

Ang Buwan ng Hunyo
          Ang buwan ng Hunyo o June ay pang-anim na buwan sa Gregorian Calendar. Maraming iba’t-ibang etimolohiya ang pinaniniwalaang pinanggalingan ng pangalan ng buwang ito. Ang June ay dating pang-apat na buwan sa Roman Calendar na sinasabing ipinangalan kay Juno, na kapatid at asawa ng punong-diyos ng mga Romano na si Jupiter. Mayroon ding nagsasabing ito ay mula sa pangalan ni Junius Brutus, isang bayaning nagpalaya sa mga Romano sa mga mananakop na Estruscans noong 510 B.C. Maaari ring mula ito sa tawag sa mababang kalipunan ng Roman Senate na Juniores. Ayon sa manunulang Romano na si Ovid (Publius Ovidius Naso, 43 B.C. – A.D. 17), ang pangalan ng buwan ay mula sa salitang juvenis na ang ibig sabihin ay “kabataan.” Ang buwang ng June ay laging naiaangkop bilang buwan ng kasalan dahil noon umanong sinaunang panahon, ito ang buwan na pinipili ng mga kabataang magsing-irog na pagdausan ng kanilang kasal.
          Sa Pilipinas, ang Hunyo ay karaniwang buwan kung saan nagsisimula ang tag-ulan. Isang kabalintunaan o irony sapagkat sa buwan ng Hunyo rin itinatakda ang simula ng pasukan sa paaralan. Sa kalakhang bahagi rin ng buwang ito ipinagdiriwang ng Pilipinas ang kaniyang kasaralinlan.
          Ang rosas, higit lalo ang may pulang kulay, ang natatanging bulaklak ng buwan ng Hunyo. Samantalang ang mga birthstones ng buwan ay ang perlas, moonstone at alexandrite.


JUNE 1
Mr. & Ms. Vol. 28 No. 6, June 1, 2004
On the Front Cover: Aga Muhlach and Kristine Hermosa
On the Back Cover: Kris Aquino for the Kyowa Kitchen Organizer print ad


UNANG LABAS
Ang unang labas ng Men’s Edge (June 1994),
tampok sa taklob-pahina ang supermodel na
si Abbygale Arenas.
Ang Men’s Edge ay unang lumabas sa sirkulasyon noong June 1994. Ang magazine na inilimbag ng Moneysaver Multi-Systems Marketing (na siya ring naglabas ng Moneysaver Magazine) ay lumalabas tuwing ikalawang buwan. Ayon na rin sa prologue “From the Staff,” ang magazine na Men’s Edge ay “magazine by men, for men, of men." Naglalaman ito ng mga bagay-bagay na may kinalaman at kaugnayan sa mga kalalakihan, mula kotse, high-tech gadgets, baril, hanggang sa good grooming, action at adventure. Naglalaman din ito ng mga larawan ng naggagandahang babae, katulad ng supermodel na si Abbygale Arenas (ang iba pang itinampok sa unang isyu ay sina Anna Gonzales at Stella White), na siyang unang naging cover girl ng magazine. Ang unang editor-in-chief nito ay si Alexis F. Medina.









Events that happened on June 1:
1580 – Gomez Perez Dasmariñas arrived in Manila to assume the position of governor-general, as appointed by King Philip II (1527-1598).
1649 – The Sumuroy Rebellion against the forced labor imposed by the Spaniards in Samar began.
1903 – Leonard Wood was apponted as the governor of the Muslim provinces in Mindanao.
1966 – Olongapo, Zambales was declared a city by virtue of Republic Act No.4695.
1971 – The Constitutional Convention opened at the Manila Hotel.


Personalities and celebrities born on June 1:
1855 – Iñigo Corcuera Regalado, tagalog poet and printer – in Sampaloc, Manila (September 2, 1896)
1873 – Fernando Ma. Guerrero, poet, journalist, editor and founder of La Opinion – in Ermita, Manila (d. June 12, 1929)

1975 – Joanna Ampil, international musical theater actress and singer – in Manila.
Joanna Ampil
on the cover of Celebrity World  (October 7, 1996).


Spider-Man (for the film Spider-Man 2) on
the cover ofTV Star Guide June 2004 issue.
Larawang Tribiya
          Ang Spider-Man 2 (2004) ay gumawa ng record na 40.4-million-dollar ticket sale sa opening day nito. Tinalo nito ang record na ginawa ng Spider-Man (2002).
          Sa mga unang drafts ng script ng Spider-Man 2, hindi lang si Doctor Octopus ang Marvel costumed character na lalabas sa pelikula; kasama rin sina Black Cat, The Lizard at si Harry Osborn bilang ang bagong Green Goblin. Subalit sa suhestiyon ng screen story writer na si Michael Chabon nilimitahan na lamang ito sa labanang Spider-Man at Doctor Octopus.
                             o     O     o