Ang “Dagdag Kaalaman” ay aking kolum sa
pahayagang tabloid, The Daily Sun, na
nagsimula noong Pebrero 27, 2013. Ito ay naglalaman ng mga kawili-wiling mga
kaalaman at trivia sa iba’t-ibang larangan. Tampok sa isyu na ito (Marso 12, 2013) ang
salitang “Sinta” (p. 10).
“O pagsintang labis ang kapangyarihan....!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninoman, hahamaking lahat masunod ka lamang.” – Ika-80
saknong ng epiko ni Francisco “Balagtas” Baltazar (1788-1862) na Florante at Laura.
“Kay ganda mo, aking mahal; kay ganda mo,
aking sinta,
Sa akin ay nagdudulot ka ng galak at ligaya.
Kay hinhin ng iyong kilos tulad ng punong palmera,
Ang dibdib mong ubod yaman ay tulad sa buwig niya.
Puno niya’y aakyatin upang bunga ay pitasin.
Sa tingin ko ang dibdib mo’y buwig ng ubas ang kahambing,
Hininga mo ay mabango, mansanas nga ang katuring.
Ang tamis ng iyong labi ay katulad ng inumin,
Dahan-dahang tumatalab habang ito’y sinisimsim.”
– Awit ni Solomon, Magandang Balita Biblia, Tagalog Popular Version

No comments:
Post a Comment