Thursday, March 22, 2012

March 22



ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)


March issues of different magazines

MARCH 22
Pilipino (Komiks) Illustrated Stories Taon 57 Blg. 3211, Marso 22, 2004
Tampok sa taklob-pahina ang “Balbon” na katha ni Rod Santiago

MUKHA NG NAKARAAN
Ang lathalaing Picture Show Vol. 10 No. 265, March 22, 1924.
Tampok sa taklob-pahina sina Pola Negri at Conrad Nagel sa pelikulang Bella Donna (1923),
Sina Rudolph Valentino at Alice Terry sa Four Horsemen of the Apocalypse (1921),
at Ramon Novarro at Alice Terry sa Where the Pavement Ends (1923).


Marso 22 sa Kasaysayan ng Pilipinas
          Noong Marso 22, 1897, ang Tejeros Convention ay ginanap sa Barrio Tejeros, San Francisco de Malabon, Cavite. Dito, nagpulong ang dalawang lapian ng Katipunan sa lalawigan ng Cavite, ang Magdalo at ang Magdiwang upang pag-usapan kung nararapat ng magtatag ng bagong pamahalaan na kahalili ng Katipunan. Sa naturang pagpupulong, naihalal na pangulo si Emilio Aguinaldo, pangalawang pangulo si Mariano Trias, Kapitan-Heneral si Artemio Ricarte, Punong-Tagapangasiwa ng Digmaan si Emiliano Riego de Dios at Tagapangasiwa ng Usaping Pangloob si Andres Bonifacio. Subalit tinutulan ni Daniel Tirona ang pagproklama kay Bonifacio sa dahilang hindi ito isang abugado. Nainsulto si Bonifacio sa ginawa ni Tirona, kaya Tagapangulo ng pagpupulong at Pangulo ng Konseho Supremo ng Katipunan, pinawalang bisa niya ang Tejeros Convention at ang halalang naganap sa pagpupulong.
                                                          o     O     o

          Ang pamamahala at kapangyarihan ng Sultanate ng Jolo ay nagwakas noong ika-22 ng Marso, 1915.
                                                          o     O     o

          Ang mga pamilya ng mga pro-Japanese collaborators na si President Jose P. Laurel Sr at House Speaker Benigno S. Aquino Sr ay lumisan patungong Japan noong Marso 22, 1945 upang humingi ng asylum at political refuge.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on March 22:
1863 – Mariano Ponce, writer, folklorist, member of the Propaganda Movement, diplomat, and among the founders of La Solidaridad and Asociacion Hispano-Filipino – in Baliwag, Bulacan (d. May 23, 1918).
1869 – Emilio Aguinaldo, President of the First Philippine (Malolos) Republic – in Kawit, Cavite (d. February 6, 1964). Note: According to Aguinaldo’s Partida de bautismo (birth certificate), he was born on March 26, 1869, but according to his mother’s account his birthdate is March 22, 1869. Aguinaldo himself celebrated his birth on March 22. Consequently, this is credited as his birthday.
1962 – Jess Lapid Jr (full name Jesus Iris Lloyd Lapid), actor – in Pampanga.
1981 – Karylle (full name Ana Karylle Padilla Tatlonghari), singer, actress and television host – in Manila.
Karylle on the cover of MOD (June 23, 2006), Mega (April 2009) and Bannawag (November 28, 2011)


Vietnamese leader Ho Chi Minh on the cover of Life
March 22, 1968 issue.
Larawang Tribiya
          Si Ho Chi Minh (ipinanganak sa pangalang Nguyen Sinh Cung, 1890-1969) ay ang Vietnamese Marxist-Lenninist leader na tumayong punong ministro (1945-1955) at pangulo (1945-1969) ng Democratic Republic of Vietnam (North Vietnam). Naging mahalgang pundasyon siya sa pagtatag ng People’s Army of Vietnam at ng Viet Cong sa kasagsagan ng Vietnam War hanggang sa kaniyang pagyao. Ipinaglaban niya ang pagkakaisa at kalayaan ng North and South Vietnam laban sa mga bansang mananakop katulad ng France at America.
          Noong Mayo 1, 1975, matapos ang Vietnam War, bilang parangal at pagkilala sa kaniyang mga nagawa, ang Saigon na kabisera ng Republic of Vietnam ay ipinangalan sa kaniya (Ho Chi Minh City). Maging ang UNESCO ay nagbigay ng parangal at pagkilala sa kaniyang kabayanihan at sa kaniyang mga nagawa sa Vietnam sa larangan ng edukasyon, sining at kultura, at sa pag-alay ng kaniyang buong buhay para sa kalayaan, pagkakaisa at demokrasya sa Vietnam.
                             o     O     o







No comments:

Post a Comment