|
ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)
|
Ang Buwan ng Agosto
Ang Agosto o August ang pangwalong buwan ng taon. Noong panahon ng Kalendaryong Romano (Roman Calendar), ito ay tinawag na Sextilis o ang Pang-anim na buwan. Bagama’t naging ikawalong buwan ito nang baguhin ni Julius Caesar (c. 100 – 44 B.C.) ang lumang kalendaryo noong 44 B.C., nanatili ang tawag na Sextilis. Noong 27 B.C., si Gaius Julius Caesar Octavianus (63 B.C. – A.D. 14), ang inampong grandnephew ni Julius Caesar at humalili sa kaniya sa pamumuno sa Roma, ay pinarangalan at tinatawag na “Augustus” o “ang dakila.” Sa pangalang Augustus Caesar higit siyang nakilala sa kasaysayan. Mula rin sa pangalang ito, pinalitan ang tawag sa Sextilis na August bilang parangal sa kaniya.
Sa Pilipinas, ang Agosto ay buwan ng Moro-Moro at Sumbali festivals. Sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa.
Nang sinaunang panahon, ang Carnelian ang birthstone para sa buwan ng Agosto. Sa modernong panahon tatlo ang kinikilalang birthstones na sumasagisag sa buwang ito – moonstone, sardonyx at peridot. Ang poppy naman ang flower of the month.
AUGUST 1
 |
Superyor
Komiks Magasin Taon 1 Blg. 26, Agosto 1, 1965
Tampok sa harapang
pabalat ang kuwentong “Kundiman ng Pag-ibig” ni Chuchi Rebleza
Nasa likuran pabalat
naman ang paanyayang subayabayan ang “Eben Bonaben”
na kuwentong kinatha at iginuhit ni Rosauro
Heras Matienzo |
GLIMPSE FROM THE PAST
 |
American actress Ann
Sheridan (1915-1967)
On the cover of Look (August 1, 1939). |
Agosto 1 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Agosto 1, 1851, itinatag ng Junta de Autoridades ng pamahalaang Kastila ang Banco Español-Filipino de Isabel II, ang kauna-unahang commercial bank sa Pilipinas at sa Malayong Silangan (Far East).
o O o
Ika-1 ng Agosto 1900 nang itatag ni Mariano F. Jocson ang Colegio Filipino, isang primary school para sa mga batang lalaki at babae. Ang pangalan ng paaralang ito ay napalitan ng Colegio Mercantil noong 1905, at noong 1921, ito ang naging National University at si Jocson ang kauna-unahan nitong pangulo.
o O o
Personalities and celebrities born on August 1:
1901 – Pancho Villa (real name Francisco Guilledo), champion professional boxer – in Ilog, Negros Occidental (d. July 14, 1925).
1971 – Kristina Paner (real name Annah Karina Salunoy Gomez), actress and singer – in Quezon City.
1995 – Derrick Monasterio (full name Derrick Lllander Climarco Monasterio), actor, dancer and singer – in Quezon City.
 |
Derrick Monasterio
on
the cover of Garage (May 2016). |
 |
The August 1, 1988
cover of Time
illustrating “Our
Filthy Seas,”
how pollution is threatening sea life. |
Picture Trivia
More than 20 million tons of garbage
are being disposed and deposited in different bodies of water throughout the
world every year. This single act is killing rivers, lakes and even the world’s
seas and oceans. This is the main cause of pollution of the underground
aquifers, which are the world’s sources of drinking water. This is also
polluting shorewaters, which is the cause of red tide, fish kill, and
destruction of coral reefs, and now threatens sea life itself.
o O o