Showing posts with label Snooky. Show all posts
Showing posts with label Snooky. Show all posts

Friday, June 23, 2017

El Filibusterismo: Ang Walang Kamatayang Nobela ni Gat. Jose Rizal


Gintong Mariposa Family Magazine Taon 1 Blg. 16, Hunyo 23, 1992
On the cover: Ricardo Cepeda & Snooky Serna

Isang maikling artikulo tungkol sa “El Filibusterismo: Ang Walang Kamatayang Nobela ni Gat. Jose Rizal” para sa pag-alaala sa ating pambansang bayani.


Nasa isyu ring ito ng Gintong Mariposa ang isa pang sipi ng aking tudling (column) na “Kaalaman, Karunungan at Katotohanan” na isinulat ko sa ilalim ng penname na Newton Aresgala.



“Hangga’t maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.” – Ang Sulat ni Pablo sa Mga Taga-Roma 12:18, Magandang Balita Biblia, Tagalog Popular Version.

Thursday, July 5, 2012

July 5

 
JULY 5
Modern Romances & True Confessions Taon 5 Blg. 199, Hulyo 5, 1977
On the cover: Ruby Anna, Rhene Imperial and Josephine Garcia
 

Unang labas ng Oriental Libangan Komiks
na may petsang Hulyo 5, 1952.
UNANG LABAS
Ang Oriental Libangan Komiks ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Hulyo 5, 1952. Sa babasahing ito nagsimula ang mga kuwentong “Mahiwagang Perlas,” “Alipin ng Pag-ibig,” “Ang Multo sa Tabing Daan,” “Haring Alamid,” “Juez de Cuchillo,” “Kasaysayan ng Silangan,” “Prinsipeng Ibon,” at “Sa Bingit ng Panganib.” Tampok sa taklob-pahina ng unang labas ang isang yugto sa kuwentong “Mahiwagang Perlas” ni Pinto Gonzalez.














Ang unang labas ng Pump: Fuel for Men
(July 2005), tampok sa taklob-pahina si
binibining Chynna Ortaleza.
UNANG LABAS
Ang Pump: Fuel for men ay magazine na unang lumabas sa sirkulasyon noong July 5, 2005, ay masasabing isang “maginoo pero medyo bastos” na tipo ng babasahin. Sabi nga ng editor-in-chief nito na si Enrique V. Ramos, ang Pump ay “naughty but not rude, sexy but not lewd, provocative but not crass....” Sa kabuuan, ang magazine ay may temang pang-sports, pang-entertainment at pang-showbiz na sinamahan ng mga sexy pictorials. Ito ay inilimbag ng Big Ticket Publishing at ang una nitong cover girl ay si Chynna Ortaleza, na tampok din sa siyam na pahinang cover story spread. Sa unang labas ng magazine, itinampok din ang bilyaristang si Jose “Amang” Parica, ang Comedy King na si Dolphy. at ang retired basketball player at tinaguriang “The Destroyer” na si Rudy Distrito.





SULYAP SA NAKARAAN
Si Liezl (tunay na pangalan, Anna Lisa Muhlach Sumilang) na 4-taong-gulang,
at Snooky (Maria Milagros Sumayao Serna) na 5-taong-gulang,
tampok sa taklob-pahina ng Young Stars Komiks-Magasin Vol. 2 No. 24, Hulyo 5, 1971.
 
Events that happened on July 5:
1945 – The liberation of the Philippines from the Japanese forces was declared.


Personalities and celebrities born on July 5:
1846 – Numeriano Adriano, propagandist and martyr – in Beata, Pandacan, Manila (d. January 11, 1897).
1954 – Rolando A. Uy, politician – in Cagayan de Oro.
1980 – Ana “The Hurricane” Julaton (full name Luciana Bonifacio Julaton, Filipino-American boxer and first to win the WBO and IBA Super Bantamweight titles – in San Francisco, California.




The “Queen of Disco” Donna Summer
on the cover of Jet June 5, 1979 issue.
Picture Trivia
Singer-songwriter Donna Summer (birth name LaDonna Adrian Gaines, 1948-2012) rose to fame during the so-called “Disco Era” of the 1970s. She started as a Christian church choir singer, and later became the front singer for the psychedelic rock band, Crow, in the 1960s. During the tour of the musical “Hair,” she live in West Germany where she married Helmut Summer. From her husband’s name, she started using Donna Summer as her stage name. In the field of music, she is known as the “Queen of Disco.”

 
                             o     O     o






Wednesday, April 4, 2012

April 4



April 4
Moviestar No. 1379, April 4, 2011
On the cover: Richard Gutierrez as Captain Barbell,
Geoff Eigenmann, Carla Abellana, Sarah Geronimo, et al.


Events that happened on April 4
1871 – Governor-general Rafael de Izquierdo y Gutierrez assumed office. Under his term, the first steamship line and telegraph lines were opened.


Personalities and celebrities born on April 4:
1868 –Felipe Roca Calderon, lawyer, politician, statesman, author of Encyclopedia Filipina (1908) and “Father of the Malolos Constitution” – in Santa Cruz de Malabon (now Tanza), Cavite. (d. July 9, 1908).
1936 – Louie Beltran (full name Luis Diaz Beltran), broadcast journalist and newspaper columnist and editor – in Manila.(d. September 6, 1994).
1947 – Eli Soriano (full name Eliseo Fernando Soriano), televangelist and religion leader – in Pasay City.
1962 – Roderick Paulate, actor and comedian, in Manila.
1966 – Snooky (real name Maria Milagros Serna), actress – in Manila.
Snooky Serna at three-and-half years old
on the cover of Sixteen (December 14, 1970).
1978 – Berwin Meily. Actor-comedian and magician – in Manila.


Ang “Tipin” ni Larry Alacala

Isang isyu ng cartoon strip ni Larry Alcala na “Tipin”
na lumabas noong Abril 4, 1958 sa Hiwaga Komiks Blg. 144.
          Ang cartoon strip na “Tipin” ay isang nakatutuwang likhang-isip ni Larry Alcala (1926-2002) na lumabas sa mga pahina ng Hiwaga Komiks (1951-1965). Si Tipin na tinaguriang “Yur Peborit Tinedyer” ay larawan ng isang nagdadalaga noong 1950s na laging nakapanamit ng simpleng pang-itaas at pantalong maong. Naglalarawan din ang cartoon strips ng mga nakatutuwang karanasan ng mga kabataan at ng kanilang pamilya noong Dekada 1950s. Ito ay ginawang pelikula ng Sampaguita Pictures noong 1956.
                                                         o     O     o


Ang Tala ni Haring David
The “Star of David” on the cover of
Time April 4, 1988 issue,
the symbolic representation of the Israel nation.
          Ang tala ni Haring David (Star of King David) ay ang tinaguriang sagisag ng bansang Israel. Ito ay binubuo ng dalawang tatsulok (triangle) na may magkakaparehong siha (angle) na magkapatong at magkabaliktaran. Ang sagisag na ito na may bughaw na kulay ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang bughaw na guhit sa puting watawat ng Israel. Unang inaladlad ang watawat na ito noong Oktubre 28, 1948, limang buwan matapos itatag ang Israel bilang isang malayang bansa. Datapuwa’t ang watawat na ito ay unang nabuo sa First Zionist Congress noon pang 1897.
                             o     O     o











 
Industrial tycoon John Gokongwei
and his eldest son Lance,
on the cover of Asiaweek (April 4, 1997)
Larawang Tribiya
          Ang industrial tycoon na si John Gokongwei ay ipinanganak (sa pangalang John Go) sa Fujian, China, subalit lumaki sa Cebu kung saan ang lolo niyang si Pedro Gotianco ay may-ari ng isang trading company. Naubos ang kayamanan ng kaniyang pamilya nang masawi ang kaniyang ama at sa pagsalantang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
          Sa apelyido ng kanilang pamilyang “Go” ay idinagdag niya ang “kongwei” na ang ibig sabihin ay “maliwanag” at nagsimula muli sa isang maliit na trading business. Sa edad ng 38-anyos itinatag niya ang Universal Corn Products, na pinalitan niya ng pangalang Universal Robina Corporation noong 1970 para sa kaniyang panganay na anak na babae.
          Noong 1997, pumangalawa ang JG Summit, na pagmamay-ari ng mga Gokongwei, sa total sales (699.5 million dollars) sa mga kumpanya sa Pilipinas.
                             o     O     o