Showing posts with label People & Nature. Show all posts
Showing posts with label People & Nature. Show all posts

Sunday, May 13, 2012

May 13



MAY 13
Pilipino Komiks Blg. 77, Mayo 13, 1950
Tampok sa taklob-pahina ang pabalat na dibuho ni Fred Carillo


UNANG LABAS
Noong May 13, 1950, muling binuhay ni Ravelo ang kaniyang superheroine na si Varga sa katauhan ni Darna. Unang lumabas si Darna sa Pilipino Komiks Blg. 77, kung saan ang una niyang naging kalaban ay si Valentina, ang Babaeng Ahas. Ang legendary Filipino illustrator na si Nestor Redondo ang gumuhit ng mga unang Darna.
Una namang naitampok sa taklob-pahina si Darna sa sumunod na isyu, Pilipino Komiks Blg. 78, Mayo 27, 1950, kung saan makikita ang orihinal na costume ng pinaka-paboritong superhero ng masang Filipino.
Ang unang labas ng “Darna” na katha ni Mars Ravelo sa Pilipino Komiks Blg. 77, Mayo 13, 1950.
Iginuhit ni Nestor Redondo.

Events that happened on May 13
1942 – The seat of Philippine Commonwealth government was transferred to Washington D.C. from the Japanese-occupied Manila.


Personalities and celebrities born on May 13:
1852 – Gliceria Villavicencio, revolutionary worker – in Taal, Batangas (d. September 28, 1929).
1957 – Mar Roxas (full name Manuel Araneta Roxas II), lawmaker and politician – in Quezon City
1980 – Mau Marcel (full name Maureen Flores Marcelo), Puerto Rican-Filipina R&B soul singer – Lucena City.



MUKHA NG TUWA AT LIGAYA
Assunta de Rossi and her stepchildren, Julio and Cristina Ledesma, by Congressman Jules Ledesma,
on the cover of Mr. & Ms. Mother’s Day issue, May 13, 2003.



Ang tayabok (jade vine), na katutubong
halaman sa Pilipinas,  sa taklob-pahina ng
People & Nature May-July 1993 issue
(Larawang kuha ni Dr. Domingo A. Madulid)
Larawang Tribiya
          Ang “tayabok” or “tayaboc” na kilala sa salitang English na jade vine (pangalang agham Strongylodon macrobotrys) ay matatagpuan sa mga primary forests ng Northern at Southern Luzon at sa Mindanao. Isang nakamamanghang katangian ng halamang ito ay ang kulay-jade (mapusyaw na luntian) at mala-tukang mga bulaklak nito na nakabiting nakapumpon. Ang tayabok, katulad ng maraming mga species ng iba pang mga natatanging halaman at hayop na sa Pilipinas lamang matatagpuan ay lubhang nanganganib ng mawala dahil sa walang habas pagsira ng mga kagubatan sa bansa.
                             o     O     o









Friday, April 13, 2012

April 13


April 13
Time (Special Environment Issue) Vol. 173, No. 14, April 13, 2009
On the cover: The Sumatran tiger (Panthera tigris sumatrae)
 
GLIMPSE FROM THE PAST
Print ad for the “Fire & Ice in Manila” reunion tour
of tennis legends Bjorn Borg and John McEnroe at
the Rizal Memorial Complex on April 13, 1989.
 
Events that happened on April 13:
1521 – Rajah Humabon, Rajah Kolambu and 400 natives were baptized by Spanish friar Pedro Valderama, making them the first Roman Catholic converts in the Philippines.


Personalities and celebrities born on April 13:
1857 –Trinidad H. Pardo de Tavera, scholar, writer, doctor and politician (d. March 26, 1925).
1872 – Ramon Avanceña, Chief Justice of the Supreme Court (from April 1, 1925 to December 24, 1941) – in Molo, Iloilo City (d. June 12, 1957).
1904 – Fernando Lopez, three-term vice-president (1949-1953, 1965-1969 and 1969-1972) – in Jaro, Iloilo (d. May 27, 1993).  
1968 – Lani Mercado (real name Jesusa Victoria Hernandez), actress and politician – in Quezon City.
Lani Mercado
on the cover of Celebrity World (May 12, 1994)
1968 – Juan Miguel Fernandez Zubiri, businessman, politician and legislator – in Makati City.
 
 


A pilot whale begins its dive
with a flick of its massive tail.
Photo by Jose Ma. Lorenzo P. Tan,
on the cover of People & Nature
(April-June 1995).
Larawang Tribiya
          Ang pangalang “pilot whale” ay ibinigay sa balyenang ito sa paniniwalang bawat libumbon (pod sa English) o grupo nila ay mayroong isang “piloto” o pinunong gumigiya sa kanilang palalakbay sa karagatan. Tinatawag din silang pothead whale at blackfish.
          May dalawang uri ng pilot whale sa kasalukuyan: ang Long-finned pilot whale (na may pangalang-agham na Globicephala melas) at ang Short-finned pilot whale (Globicephala macrorhynchus). Ang genus name ay mula sa kumbinasyon ng dalawang salitang Latin: Globus (“bilog” o “globo”) at cephalo (“ulo”). Ang specie name naman na melas ay mula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “itim,” at ang macrorhynchus ay mula sa mga salitang Griyego na macro (“malaki”) at rhynchus (“nguso” o “tuka”).
                             o     O     o


Sunday, April 1, 2012

April 1



ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)

Ang Buwan ng April

          Ang April ay pang-apat na buwan sa Gregorian Calendar. Alam niyo ba kung paano ito nabigyan ng pangalan? Ayon sa mga etymologists, ang pangalan ng buwan ay halaw sa salitang Latin na apririre, na ang ibig sabihin ay “buksan,” dahil sa buwan na ito nagsisimulang mamukadakad at bumububukas ang mga talulot ng mga bulaklak. Kinuha rin ang pangalan ng buwan sa lumang kalendaryong Romano na Aprilis na noo’y ikalawang buwan ng taon.
          Isa pang maaaring pinanggalingang etimolohiya ng pangalan ng buwang ito ay mula sa salitang Sanskrit na aparah na tumutukoy bilang “pagsunod sa hulihan” (ng unang buwan). Hiniram ito ng wikang Old French at naging avrill. Mula rito ay naging Avril ito sa Middle English. Sa Pilipino, tinatawag nating "Abril" ang buwang ito, na hiniram natin sa mga Kastila.
          Ang buwan ng April ay nagsisimula sa April Fool’s Day (April 1) kung saan ang pangloloko sa kapuwa ay naging isang tila tradisyong pinahihintulutang gawin sa araw na ito.
          Ang sweet pea at daisy ang mga mahalagang bulaklak sa buwan ng Abril, samantalang ang birthstone sa buwang ito ay ang diamante, ang pinakamatigas na likas na bagay na matatgpuan sa daigdig.


April 1
MOD Vol. 37, No. 1745, April 1, 2005
On the Cover: Toni Gonzaga
 
GLIMPSE FROM THE PAST
The “Early Paris Openings and Brides Number"
by Spanish portrait painter and fashion illustrator Eduardo Benito (1891-1981),
on the cover of vintageVogue (April 1, 1927).


Events that happened on April 1
1887 – The first issue of La Opinion, a Spanish newspaper founded by Julian de Pozo and Jesus Polanco, and edited by Carlos Peñaranda came out of the press.
1898 – Leon Kilat (real name Pantaleon Villegas) led a rebellion against the Spanish authorities in Cebu.
1901 – General Emilio Aguinaldo took the oath of allegiance to the United States.
1902 – Jose Ma. Romero founded the publication El Mercantil.
1925 – The Tribune, the first daily newspaper to use a tabloid format (half the size of a regular newspaper), was founded by Alejandro Roces Sr. It was first edited by Carlos P. Romulo
1972 – The Medicare was launched for the benefits of GSIS and SSS members.
1978 – The Philippine College of Commerce through Presidential Decree 1341 issued by President Ferdinand Marcos becomes the Polytechnic University of the Philippines.


Personalities and celebrities born on April 1:
1952 – Tirso Cruz III (full name Tirso Silvano Cruz III), actor – in Sampaloc, Manila.
Tirso Cruz II featured in Pilipino Komiks (August 12, 1971),
with Nora Aunor on the front cover and
for the Coke print ad on the back cover
1962 – Samboy Lim (full name Avelino B. Lim Jr), professional basketball player – in San Juan City.
1963 – Teddy Diaz (full name Teodoro de Villa Diaz), musician, songwriter and founding guitarist of the band The Dawn. (d. August 21, 1988)


Deliver Us From Evil
The controversial award-winning film 
Deliver Us From Evil  (2006).
          Ang Academy-award-nominated documentary na Deliver Us From Evil (2006) ay naglalahad ng istorya ng pedophile priest na si Oliver O’Grady. Batay sa documentary, alam ng kaniyang superior na si Cardinal Roger Mahony na si O’Grady ay isang pedophilic sexual abuser subalit hindi niya ito inilayo sa mga bata. Sa loob ng 20 taon, hindi mabilang ang mga batang biktima ng seksuwal na pang-aabuso ni O’Grady kabilang na ang isang siyam na buwang sanggol.
                       o     O     o

          Noong 1984, isinara ng Stockton Police ang imbestigasyon kay O’Grady ng pang-aabuso sa mga bata nang mangako si Bishop Mahony na gagawan ng aksyon ang sumbong laban dito. Subalit hindi ito nangyari, sa halip inilipat-lipat lang ng parish si O’Grady kung saan ipinagpatuloy niya ang pang-aabuso sa mga bata. Si Mahony naman ay na-promote bilang Cardinal at ginawang Archibishop ng Los Angeles, ang pinakamalaking diocese sa U.S.
                                       o     O     o

          Unang nahatulan si O’Grady noong 1993 ng 14 na taong pagkabilanggo sa apat na bilang ng “lewd and lascivious acts” sa dalawang magkapatid na sina John at James Howard na kaniyang inabuso mula sa edad tatlong taong gulang.
                                      o     O     o

The cover story of Time (April 1, 2002):
“Can the Catholic Church Save Itself (from scandals)?”


          Noong December 2006, ang Archdiocese ng Los Angeles ay nagbayad ng 60 million dollar upang i-settle ang 45 sa 500 na kaso ng pang-aabuso ng mga pedophile priests. Nang Hulyo ng sumunod na taon 660 million dollars pa ang ibinayad sa mga iba pang biktima.
                                      o     O     o

          Ang Deliver Us From Evil ay nagwagi ng First Place sa 2006 Los Angeles Film Festival sa kategoryang documentary film.
                                      o     O     o











Ang Rogadia luzonia luzonia,
isang uri ng paruparo na endemic
o matatagpuan lamang sa Pilipinas,
tampok sa taklob-pahina ng
People & Nature (April-June 1994)
Larawang Tribiya
          Ang mga paruparo ay tanda ng isang maaliwalas na kapaligiran. Alam niyo ba na ang paruparo ay matatagpuan sa lahat ng sangkalupaan o continent maliban sa isa? Ito ay sa Antarctica.
          Ang pinakamaraming uri ay matatagpuan sa mga tropical na lugar katulad ng Indonesia, Papua New Guinea at Pilipinas. Sa buong kapuluan ng Pilipinas ay matatagpuan ang humigit-kumulang 940 species at mahigit 1,600 subspecies ng paru-paro, na maituturing na isa sa pinakamarami sa buong daigdig.
          Kabilang sa pinakamaganda at pinakamaraming kulay na paru-paro ay ang Parthenos sylvia at Idaea leuconoe, na parehong endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas.
          Isang pang endemic species ay ang swallow-tailed butterfly na may pangalang-agham (scientific name) na Papilio chikae. Ito ay matatagpuan lamang sa mga bulubundukin ng Northern Luzon. Sa kasamaang-palad ang uring ito ay nanganganib nang maubos. Ang pinakamabigat na dahilan ay ang walang habas na pagtrotroso na siyang sumisira sa kanilang mga tirahan. Ang Papilio chikae ay nabibilang sa endangered list ng International Union for the Conservation of Nature (IUCN) at sa Appendix I ng Convention of International Trade in Endangered Species (CITES). Batay sa katayuang ito, mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli ng uri ng paru-parong ito.
                                      o     O     o



Thursday, January 19, 2012

January 19

 

 
January 19
People Weekly, January 19, 1976
On the Cover: Lee Majors and Farrah Fawcett

Enero 19 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Enero 19, 1607, ang paggawa ng San Agustin Church sa Manila, ang pinakamatandang simbahang yari sa bato sa buong Pilipinas, ay natapos.
                                                          o     O     o

          Nagpalabas ng isang royal decree si King Ferdinand VII (1784-1833) ng Espanya noong ika-19 ng Enero, 1822, na nagbabawal sa pagpapalaganap ng Masonry sa Pilipinas.
                                                          o     O     o
 

Pinoy personalities and celebrities born on January 19:
1885 – Jose Escaler, lawyer, industrialist and businessman – in Apalit, Pampanga. (d. February 17, 1927)
1981 – Kerby Mariano Raymundo, professional basketball player – in Orion, Bataan.

 

Ang Numerong 19
          Ang numerong 19 ay ang isa sa dalawang numero na puwedeng isulat sa Base 2 hanggang Base 19 na ang gagamitin lamang na mga digits ay mula 0 hanggang 9. Ang isa pa ay ang 20.
                                                          o     O     o

          Sa Roman Numerals, ang 19 ay ang unang numero na naisusulat bilang isang palindrome na binubuo ng dalawang letra - XIX.
                                                          o     O     o

          Ang titulo ng unang musical album ng English soul and jazz singer na si Adele ay “19.” Ito ay lumabas noong January 28, 2008, at naging number 1 sa unang linggo sa UK Charts.
                                                          o     O     o

          Ang board game na “GO” ay nilalaro sa isang grid na mayroong 19x19 na mga linya. Ang larong ito ay nagmula sa ancient China. Mula pa noong 3rd century B.C. ay popular na ang larong ito sa China. Katunayan nito ay nabanggit ang naturang laro sa Analects ni Confucius (c. 551-478 B.C.).
                                                          o     O     o

          Ang K-19 ang unang soviet nuclear ballistic submarine.
                                                          o     O     o

          Sa mga chemical elements, 19 ang atomic number ng potassium.
                                                          o     O     o



The Philippine Crocodile
          The endemic Philippine crocodile (Crocodilus mindoresis) is one of two species of crocodile that can be found in the Philippines. The other is the larger salt-water crocodile (Crocodilus porosus), the species of the one that was captured recently in Mindanao (reputedly the largest in the world).

The Philippine Crocodile on the cover of
People & Nature (January-March 1994).
          Both species are listed together with 17 others species and subspecies are listed in the Appendix I of the Convention on the International Trade of Endangered Species (CITES).
                                                                  o     O     o



Gloria Macapagal-Arroyo on the cover of
MOD (January 19, 2001).
Larawang Tribiya
          Si Gloria Macapagal-Arroyo ay anak ng dating Pangulong Diosdado Macapagal sa kaniyang ikalawang asawang si Evangelina Macaraeg (1915-1999). Una niyang nakilala ang kaniyang future husband na si Miguel “Mike” Arroyo sa isang pagtitipon sa bahay ni Greggy Araneta noong siya ay 15-taong gulang pa lamang.
                          o     O     o

Monday, January 2, 2012

January 2



JANUARY 2

Philippine Panorama Vol. 29 No. 01, January 2, 2000
On the Cover: Greeting of “A Happy and Peaceful New Millennium to All”
Cover concept by Jennifer Jariego


SULYAP SA NAKARAAN
Press I.D. card of Antonio S. Velasquez as General Manager of ACE Publication, Inc.,
dated January 2, 1962 (Photocopy courtesy of the late Mr. Ted Tenorio,
former Atlas Publication head of komiks department)

January 2 in Philippine History
1898 – The first installment ($400,000) of the amount promised by General Fernando Primo de Rivera (1831-1921) in the Pact of Biak-na-Bato was deposited by General Emilio Aguinaldo in a bank in Hong Kong.
1899 – General Emilio Aguinaldo announced the cabinet members of the Malolos Republic. Apolinario Mabini was appointed Prime Minister.
1942 – Fall of Manila. General Douglas MacArthur (1880-1964) declared the capital city of Manila as an “open city” to prevent destruction by the invading Japanese forces. The Japanese led by General Masaharu Homma (1887-1946) occupied the city.

 
Ang Pagbagsak ng Manila sa mga Hapon (Fall of Manila)
          Noong December 26, 1941, sa kasagsagan ng Japanese Asian invasion, nang papasok na ng Manila ang hukbong-mananakop ng Hapon, idineklara ng USAFFE commander na si General Douglas MacArthur (1880-1964) ang lungsod ng Manila na “open city” upang maiwasan umano ang malawakang pagkasira ng kabisera.
          Si Pangulong Manuel Luis Quezon ng Commonwealth Republic ay nagbilin kay Jorge B. Vargas, alkalde ng Manila, na siya ang tumanggap sa mga darating na Hapon. Pagkatapos ay tumakas si Quezon at MacArthur papuntang Bataan at Corregidor, at sa Washington, D.C. sa America.
          Bumagsak sa kamay ng mga Hapon ang Manila noong Enero 2, 1942. Dumating mula hilaga at timog ang Japanese Imperial Army sa pamumuno ni General Masaharu Homma (1887-1946) at sinakop ng walang paglalaban ang lungsod.
          Unang pumasok sa mga kalsada ng Manila ang mga sundalong Hapon na naka-bisikleta. Sinusundan sila ng mga tangkeng pangdigma at iba pang armored war vehicles. Ang mga sundalo ay agad na ipinuwesto sa mga sangang-daan, tulay, bangko at gusaling-pampahalaaan upang hindi magkaroon ng sabotage at looting. Agad ding inaresto ang mga pinaghihinalaang anti-Japanese kabilang na ang mga mangangalakal na Tsino, at sila’y ipinagbibilanggo.
          Ayon sa mga Hapon, sinasakop nila ang mga bansa sa Asia upang itaboy ang mga Western colonizers kabilang na ang America, Britain at Netherlands, at ibalik ang Asia sa mga Asyano.
          Pagkatapos ng pagbagsak ng Manila, sunod-sunod na ring nasakop ng mga Hapon ang iba pang bahagi ng Pilipinas.



Paano Nalalaman ng mga Sinaunang Katutubo sa Pilipinas ang Oras at Panahon?
          Noong unang panahon na wala pang umiiral na calendars sa Pilipinas, ang pagsikat at paglubog ng araw ang pinagbabatayan ng oras ng ating mga sinaunang ninuno. Gayon din ang pagtilaok ng manok at paghuni ng mga kuliglig. Ang pagtala naman ng paglipas ng panahon ay itinatala sa iba’t-ibang paraan: Nagtatali ng isang buhol sa lubid sa paglipas ng bawat araw, at pagbilang ng pagbibilog ng buwan at pag-ukit ng bilang sa isang kawayan upang maalaman ang buwan at taon.
          Mahalaga ang pagtala ng panahon upang malaman ng mga katutubo kung kailan dapat magtanim ng palay, ang panahon ng pag-aani at panahon ng pag-uulan, at ang bilang ng kanilang gulang.


Si Honorio Lopez at ang Kalendariong Tagalog
          Noong Spanish colonization ng Pilipinas, nakaugalian ng mga Filipino na panganlan ang mga sanggol na ipinapanganak halaw sa mga pangalan ng mga santong Katoliko kung saan tumapat ang kapanganakan ng sanggol sa pista ng santo.
          Ilang mga halimbawa ay si Andres Bonifacio (1863-1897), na pinangalanan halaw sa pangalan ni San Andres, dahil siya ay ipinanganak sa araw ng kapistahan ng santo na Nobyembre 30, at ang kaniyang kapatid na si Procopio (kung saan ay hindi naging kasing-palad kung pagbabatayan ang standard of acceptance ng natamo niyang pangalan) na halaw naman ang pangalan mula kay San Procopio.
          Ang pangalan naman ng pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal (1861-1896), sa kabilang banda, ay hindi mula kay San Jose, kundi kay San Protacio kung saan ang araw ng kapistahan ay Hunyo 19. Kaya ang buo niyang pangalan ay Jose Protacio Rizal. 
          Noong panahon ng mga Kastila, si Honorio Lopez (1875-1958), isang Filipino patriot na lumaban laban sa mga kastila (1896), sa mga Amerikano (1899) at sa mga Hapon (1947) bilang isang sundalo, propagandista at mamamayag, ay lumikha ng isang almanac na naglalaman ng mga pangalan ng mga sinasabing santong Katoliko. Ginamit niya ang almanac upang palaganapin ang paghihimagsik laban sa mga Kastila. May mga nakatagong mensahe at propaganda sa 1897 na kalendaryo na tinawag niyang La Sonrisa (“Ang Ngiti”).
          Nang matunugan ito ng mga Kastila, naging patago ang pagpapalaganap ng naturang kalendaryo at tinawag na itong “Dimasalang.”
          Ang kasalukuyang edisyon ng Kalendariong Tagalog ni Honorio Lopez ay mabibili pa rin sa mga gilid ng simbahan sa Quiapo. Ang pangalan mismo ni Lopez ay mula sa tradisyong ito. Siya ay ipinanganak ng Disyembre 30 na kapistahan ni San Honorio.
          Kung ikaw ay ipinanganak ng Disyembre 2, gugustuhin mo bang magmula ang pangalan mo kay San Bibiana?



Pinoy personalities and celebrities born on January 2:
1867 – Alberto Barretto, Lawyer, politician and delegate to the Malolos Congress – in Cabangan, Zambales. (d. December 7, 1951)
1925 – Eraño de Guzman Manalo, leader of the Iglesia ni Cristo – in San Juan. (d. August 31, 2009)
Eraño Manalo
on the face of Philippine postage stamp first issued on April 23, 2010.














 



1939 – Regalado E. Maambong, legislator and jurist. 
1967 – Tia Carrere (real name Althea Rae Duhinio Janairo), Filipino-American actress, model and singer – in Honululu, hawaii.
Tia Carrere
on the cover of Playboy (January 2003)
1970 – Ogie Diaz (full name Roger Diaz Pandaan), news reporter, entertainment writer, and actor-comedian – in Quezon City.
1987 – Jocelyn Oxlade (full name Jocelyn Rose Matias Oxlade), British-Filipino singer-songwriter and model – in Brighton, East Sussex, England.
1989 – Benedict Campos, actor and model – in Makati City.
1992 – Alden Richards (full name Richard Reyes Faulkerson), actor, TV host, model and singer – in Santa Rosa, Laguna.

Alden Richards
on the cover of Inside Showbiz (October 2015)

 

 Si Malakas at Si Maganda
Illustration of “Malakas at Maganda”
and the Tigmamanukin bird by Nestor Redondo
          Ayon sa alamat ng mga Tagalog, isang kulay bughaw na ibong may tila mata ng tao sa dulo ng balahibo ng buntot nito, at tinatawag na Tigmamanukin (tinatawag ding Agmanaul, Saksakul-ap o I-iyutan) ang dumapo sa isang malaking puno ng kawayan matapos ang maraming araw ng paglipad. Gutom na gutom at lubhang pagod ang ibon. Nang makakita ng isang tuko na nagtago sa loob ng kawayan, tinangka niyang hulihin ito. Tinuka-tuka ng ibon ang kawayan, subalit nakatakas ang tuko. Biglang kumulog at kumidlat. Nabiyak ang kawayan at lumitaw ang isang lalaki at babae, na may kayumangging balat at mabikas na pangangatawan. Ayon sa kuwentong-alamat ng paglalang ng mga katutubo sa Pilipinas, sila ang mga unang tao sa lupa. Sa pasimulang alamat, ang itinawag sa lalaki ay Sikalak at ang sa babae ay Sikabay. Ang pangalang Sikalak ay mula sa “Si ka lalaki (o lakan),” at ang Sikabay ay mula sa “Si ka babae (o babaylan).” Ang “ka” ay pahiwatig bilang “katalik,” “kaibigan,” “kapatid” o “kasama.”
          Niyaya ni Sikabay si Sikalak na sila ay magtalik, subalit tumanggi ito dahil sa sila ay kambal na magkapatid na isinilang mula sa isang tubo ng kawayan. Kaya sumangguni sila sa himpapawid, sa dagat at sa lambak ng lupa, na magkakatugmang nagpayo sa kanila na dapat silang magtalik upang dumami ang tao sa daigdig.
          Sa pagsalin-salin ng paglalahad ng alamat na ito ng mga katutubo, naging si Malakas at si Maganda ang kanilang pangalan, na ibinatay sa kanilang katangian.
                                                          o     O     o




Northern Luzon Slender-Tailed Cloud Rat
on the cover of People & Nature
(January-March 1996)
Picture Trivia
          Cloud rats are nocturnal mammals that are among the most attractive rodents in the world. All of the six species that have been identified so far can only be found in the Philippines. They are all classified as either “Endangered” or “Threatened” to extinction. The Northern Luzon slender-tailed cloud rat (scientifically known as Phloeomys Pallidus) are endemic in some areas of Cagayan, Ifugao, Isabela, Mountain Province, Nueva Ecija and Nueva Vizcaya. It is known locally as bao nga buut o dagang buut. It is classified as “Nearly threatened.”
                                      o     O     o