Showing posts with label Moviestar. Show all posts
Showing posts with label Moviestar. Show all posts

Monday, July 9, 2012

July 9



JULY 9
Moviestar Vol. 21 No. 1193, July 9, 2007
On the front cover: Diether Ocampo and Kristine Hermosa (main)
On the back cover: Melanie Marquez for the New Placenta print ad
 
Unang labas ng Alcala Fight Komix
(Hulyo 9, 1963). Tampok sa
taklob-pahina ang “Kapitan Limbas”
ni Amado “Ding” Castrillo.
UNANG LABAS
Ang Alcala Fight Komix na inilimbag ng CRAF Publishing ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Hulyo 9, 1963. Itinampok sa babasahing ito ang mga katha at dibuho ng mga magagaling at bantog na pangalan sa larangan ng komiks. Kabilang sa mga pahina ng unang isyu ang mga sumusunod: “Kapitan Limbas” na kinatha at iginuhit ni Amado “Ding” S. Castrillo (tampok sa unang taklob-pahina ng Alcala Fight Komix), “Alamid” ni Tony Caravana, “Kagubatang Bato” ni Ruben N. Yandoc, “Lihim ni Gagamba” nina Virgilio at Nestor Redondo, “Siopaoman” ni Larry Alcala, “Virgo Amasona” ni Jim Fernandez at “Voltar” ni Alfredo P. Alcala. Una itong pinatnugutan ni Virgilio P. Redondo.
Madalas na may full-spread cover illustration ang Alcala Fight Komix, na naging Alcala Komix (Pebrero 22, 1967) matapos ang 90 isyu.
 








Events that happened on July 9:
1886 – Mayon Volcano erupted destroying the towns of Libon and Legaspi.


Personalities and celebrities born on July 9:
1908 – Alfredo Litiatco, leading pre-war short story writer and essayist – in Manila (d. 1943).
1939 – Domingo L. Siazon Jr, ambassador and Secretary of Foreign Affairs – in Aparri, Cagayan.
1984 – L.A. Tenorio (full name Lewis Alfred V. Tenorio), professional basketbal player – in Nasugbu, Batangas.
1993 – Jake Vargas (full name Jake Angelo Cunanan Vargas), actor, dancer and singer-songwriter – in Olongapo, Zambales.

 

Will Smith and Salma Hayek
(for the film Wild, Wild West) on the
cover of Entertainment Weekly
July 9, 1999 issue.
Picture Trivia
          The 1999 film Wild, Wild West starring Will Smith (as James T. West) and Kevin Kline (as Artemus Gordon) is a big screen adaptation of the CBS television series The Wild, Wild West (1965-1969). The TV version featured Robert Conrad as the courageous, resourceful and fast gun James T. West, and Rose Martin as the gadgets experts and master of disguise Artemus Gordon. The hit TV series was created by Michael Garrison at the time when “spy” films were very popular. Garrison called his lead character as the “James Bond on horseback.”
                                      o     O     o

Wednesday, April 4, 2012

April 4



April 4
Moviestar No. 1379, April 4, 2011
On the cover: Richard Gutierrez as Captain Barbell,
Geoff Eigenmann, Carla Abellana, Sarah Geronimo, et al.


Events that happened on April 4
1871 – Governor-general Rafael de Izquierdo y Gutierrez assumed office. Under his term, the first steamship line and telegraph lines were opened.


Personalities and celebrities born on April 4:
1868 –Felipe Roca Calderon, lawyer, politician, statesman, author of Encyclopedia Filipina (1908) and “Father of the Malolos Constitution” – in Santa Cruz de Malabon (now Tanza), Cavite. (d. July 9, 1908).
1936 – Louie Beltran (full name Luis Diaz Beltran), broadcast journalist and newspaper columnist and editor – in Manila.(d. September 6, 1994).
1947 – Eli Soriano (full name Eliseo Fernando Soriano), televangelist and religion leader – in Pasay City.
1962 – Roderick Paulate, actor and comedian, in Manila.
1966 – Snooky (real name Maria Milagros Serna), actress – in Manila.
Snooky Serna at three-and-half years old
on the cover of Sixteen (December 14, 1970).
1978 – Berwin Meily. Actor-comedian and magician – in Manila.


Ang “Tipin” ni Larry Alacala

Isang isyu ng cartoon strip ni Larry Alcala na “Tipin”
na lumabas noong Abril 4, 1958 sa Hiwaga Komiks Blg. 144.
          Ang cartoon strip na “Tipin” ay isang nakatutuwang likhang-isip ni Larry Alcala (1926-2002) na lumabas sa mga pahina ng Hiwaga Komiks (1951-1965). Si Tipin na tinaguriang “Yur Peborit Tinedyer” ay larawan ng isang nagdadalaga noong 1950s na laging nakapanamit ng simpleng pang-itaas at pantalong maong. Naglalarawan din ang cartoon strips ng mga nakatutuwang karanasan ng mga kabataan at ng kanilang pamilya noong Dekada 1950s. Ito ay ginawang pelikula ng Sampaguita Pictures noong 1956.
                                                         o     O     o


Ang Tala ni Haring David
The “Star of David” on the cover of
Time April 4, 1988 issue,
the symbolic representation of the Israel nation.
          Ang tala ni Haring David (Star of King David) ay ang tinaguriang sagisag ng bansang Israel. Ito ay binubuo ng dalawang tatsulok (triangle) na may magkakaparehong siha (angle) na magkapatong at magkabaliktaran. Ang sagisag na ito na may bughaw na kulay ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang bughaw na guhit sa puting watawat ng Israel. Unang inaladlad ang watawat na ito noong Oktubre 28, 1948, limang buwan matapos itatag ang Israel bilang isang malayang bansa. Datapuwa’t ang watawat na ito ay unang nabuo sa First Zionist Congress noon pang 1897.
                             o     O     o











 
Industrial tycoon John Gokongwei
and his eldest son Lance,
on the cover of Asiaweek (April 4, 1997)
Larawang Tribiya
          Ang industrial tycoon na si John Gokongwei ay ipinanganak (sa pangalang John Go) sa Fujian, China, subalit lumaki sa Cebu kung saan ang lolo niyang si Pedro Gotianco ay may-ari ng isang trading company. Naubos ang kayamanan ng kaniyang pamilya nang masawi ang kaniyang ama at sa pagsalantang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
          Sa apelyido ng kanilang pamilyang “Go” ay idinagdag niya ang “kongwei” na ang ibig sabihin ay “maliwanag” at nagsimula muli sa isang maliit na trading business. Sa edad ng 38-anyos itinatag niya ang Universal Corn Products, na pinalitan niya ng pangalang Universal Robina Corporation noong 1970 para sa kaniyang panganay na anak na babae.
          Noong 1997, pumangalawa ang JG Summit, na pagmamay-ari ng mga Gokongwei, sa total sales (699.5 million dollars) sa mga kumpanya sa Pilipinas.
                             o     O     o