Showing posts with label Brix Bartolo. Show all posts
Showing posts with label Brix Bartolo. Show all posts

Saturday, August 11, 2012

August 11




AUGUST 11
True Experience Stories Taon 1 Blg. 24, August 11, 1988
Nasa taklob-pahina ang kuwentong “Kapag Mabuway ang Pundasyon” na isinulat ni Zoila Meneses
na iginuhit ni Brix Bartolo

Agosto 11 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 11, 2006, ang oil tanker na M/T Solar 1 na naglalaman ng dalawang milyong litro ng langis (bunker fuel) ay lumubog sa may humigit-kumulang 16 na kilometro ang layo sa katimugang dalampasigan ng Guimaras. Ito ay lumikha ng pinakagrabeng oil spill sa ksaysayan ng Pilipinas.
                                                          o     O     o

          Itinanghal na ika-12 nagwaging senador sa 2007 election si Koko Pimentel nang bitiwan ni Miguel Zubiri ang posisyong ito matapos mailantad ang mga katibayan sa malawakang pandaraya at electoral frauds na naganap sa Mindanao.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 11:
1926 – John Lim Gokongwei Jr, Chinese-Filipino businessman – in Gulangyu, Xiamen, Fujian, China.
1942 – Delia Domingo Albert, career diplomat and Secretary of Foreign Affairs (December 22, 2003 – August 18, 2004).
1953 – Cory Quirino (full name Socorro Alicia Rastrollo Quirino), author, columnist and television host – in Quezon City.
Cory Quirino
on the cover of Image Asia (December 2010-January 2011)

  


Brooke Shields with Chris Atkins
in the film Blue Lagoon, on the cover of
People Weekly (August 11, 1980).
Picture Trivia
          Brooke Shields was first seen in the film Pretty Baby (1978), where she portrayed the role of a child prostitute. In the film she appeared naked in several scenes, and because she was only 12-year-old then, questions were raised if the film can be classified as child pornography.
          In Blue Lagoon (1980), the film where Shields was always remembered, she was 14 years old. She also had many nude and sex scenes with her co-star Chris Atkins in a tropical island. Do you know in what tropical island was the movie made? The film was shot in Jamaica and in Nanuya Levu, a privately owned island in Fiji, except for the “blue lagoon” scenes, which were made in Comino Island in Malta, and in Champagne bay in Vanuatu.
 
 
                             o     O     o






Saturday, June 9, 2012

June 9



JUNE 9
True Experience Stories Taon 1 Blg. 15, Hunyo 9, 1988
Tampok sa taklob-pahina ang dibuho ni Brix A. Bartolo
 
UNANG LABAS

Ang unang tatlong isyu ng Charm Comics (Kaloob ni Terry Bagalso).
Ang Charm Comics ay isang kakaibang komiks na Filipino ang dating, English ang medium at mala-Japanese manga ang pagkakaguhit. Ang initials ng mga pangalan ng limang pangunahing character – limang dalagitang “mangkukulam” – ay bumubuo sa salitang BRUJA. Ito sana ang orihinal na titulong balak ng maykatha, ang Atlas Publishing Book and Komiks editor-in-chief na si Terry Bagalso, subali't hindi ito gusto ng General Manager na si Deo Alvares kaya napalitan ng Charm. Kung iisipin higit sanang malakas ang hatak ng titulong  “Bruja.” Unang itong lumabas sa sirkulasyon noong Hunyo 9, 2003. Kakaiba ang storyline ng Charm (hindi ito kopya o hawig sa TV seies na Charmed) na kakakakitaan ng katatawanan, pakikipagsapalaran, pantasya, kababalaghan, at konting sundot ng drama at kabayanihan. Maganda sana ang hinaharap ng komiks na ito kung nabigyan ng tamang marketing, pero itinigil ng Atlas ang paglilimbag dito noong 2004 matapos lamang ang 10 issues.



Events that happened on June 9:
1898 – Filipino forces liberated the province of Pampanga from Spanish control.
1945 – Inaugural session of the Philippine Congress with Manuel A. Roxas as elected Senate President and Jose C. Zulueta as Speaker of the House of Representative.
 

Personalities and celebrities born on June 9:
1865 – Feliciano Cabuco, one of the 13 Martyrs of Cavite.
1868 – Feliciano Jocson, Katipunan organizer and revolutionist – in Quiapo, Manila (d. May 4, 1898)
 


Alyssa Milano on the cover of Celebrity Skin
(June 1999).
Larawang Tribiya
          Nagsimula ang career ng Holywood actress na si Alyssa Milano nang mapili siya sa papel na Annie nang di-sinasadya noong siya ay walong-taong gulang pa lamang. Sumabak siya sa television series na Who’s the Boss? (1984-1992) sa edad na 10-anyos bilang Samantha Micelli na anak ng pangunahing karakter na ginampanan ni Tony Danza. Noon namang 1985, gumanap siya bilang Jenny, anak ni John Matrix na ginampanan ni Arnold Schwarzenegger sa pelikulang Commando.

          Nagkaroon siya ng mga sexy at nude scenes sa ilang TV movie at erotic films: Where the Day Takes You (1992), Casualties of Love: The Long Island Lolita Story (1993), Confessions of a Sorority Girl (1994), Embrace of the Vampire (1994), Deadly Sins (1995), at Poison Ivy II: Lily (1996). Nakita rin ang mga hubad na larawan ni Milano sa magazine na tulad ng Celebrity Skin (sipatin ang kalakip na larawan).

          Bumalik siya sa television bilang Jennifer Mancini sa series na Melrose Place (1997-1998), Meg Winston sa Spin City (1997-2001), at Phoebe Haliwell sa Charmed (1998-2006).

                                                            o     O     o
         


Saturday, March 3, 2012

March 3



MARCH 3
Prime Weekly Edition Vol. 3 No. 9, March 3, 1988
On the Cover: Commercial model and entrepreneur Catherine de Vela


UNANG LABAS
Unang isyu ng True Experience Stories
(Marso 3, 1988), tampok ang
“Kakila-Kilabot na Gabi ng Lagim”
na iginuhit ni Brix Bartolo.
Ang True Experience Stories ay isang babasahing komiks na unang lumabas sa sirkulasyon noong Marso 3, 1988. Inilimbag ito ng Atlas Publishing Co., Inc. sa ilalim ng patnugot ni Antonio S. Tenorio. Naglalaman ito ng mga kuwentong wakasan na ipinadala ng mga mambabasa. Sa mga unang isyu ng komiks na ito ay itinampok ang “Kakila-Kilabot na Gabi ng Lagim” na isinulat mismo ni A. S. Tenorio at iginuhit ni Ferdee Bambico na naglarawan ng mga karanasan ng mga survivors sa naganap na banggaan sa karagatan ng pampasaherong barkong MV Doña Paz at ng oil tanker na MT Vector sa Tablas Strait sa pagitan ng Marinduque at Mindoro noong Disyembre 21, 1987.
                               o     O     o












Events that happened on March 3
1815 – Start of the Kailianes (common people) Revolt in Sarrat, Ilocos Norte.
1899 – The first issue of La Justicia, the first Filipino-owned newspaper in Cebu, was released.
1907 – The first issue of Balagtas, a worker’s magazine, was released.
 

Personalities and celebrities born on March 3:
1894 – Paz Marquez Benitez, short story writer in English and educator – in Lucena, Quezon Province (d. 1983).
1917 – Carmen Rosales (real name Januaria Constantino Keller), actress – Carmen, Rosales, Pangasinan (December 11, 1991).
Carmen Rosales
tampok sa mga taklob-pahina ng Ilang-Ilang (Mayo 4, 1946)
at Bulaklak (Hiyas ng Tahanan, Marso 3, 1948)
 
1924 – Lilian Velez, actress and singer – in Cebu City (d. June 26, 1948).
Si Lilian Velez (kasama si Serafin Garcia)
mula sa pelikulang G.I. Fever, My Kano!
tampok sa taklob-pahina ng Ilang-Ilang (Disyembre 1, 1946)

1952 – Rudy Fernandez (full name Rodolfo Valentino Padilla Fernandez), award-winning actor – in Manila (d. June 7, 2008).
Si Rudy Fernandez (kasama si Vilma Santos)
tampok sa taklob-pahina ng Tagalog Klasiks  (Enero 31, 1971)
1988 – Patricia Marie Gomez Tumulak, actress, TV host and beauty queen – in Quezon City.
1995 – Maine Mendoza (full name Nicomaine Dei Capili Mendoza), actress-comedienne, singer-songwriter, musician, TV and Internet personality – in Sta Maria., Bulacan.
Maine Mendoza
on the cover of Yes! (September 2016)

 

Ang Unang Filipino Ballerina sa Kirov Ballet
Prima ballerina Lisa Macuja-Elizalde
on the cover of MOD (March 3, 2000).
          Si Lisa Teresita Pacheco Macuja ay ang ipinagmamalaking prima ballerina ng Pilipinas. Noong 1984, siya ay naging kauna-unahang Filipina at banyagang soloist na napabilang sa bantog na Kirov Ballet.
                               o     O     o

















Ang Scientific Name o Pangalang-Agham
          Alam niyo ba kung ano ang scientific name o pangalang-agham? Ang pormal na sistema ng pagbibigay pangalan sa bawat nabubuhay na bagay (living things) ay tinatawag na “binominal nomenclature.” Sa sistemang ito, ang pangalan ng bawat bagay na nabubuhay ay binubuo ng genus name at species name. Bilang halimbawa, ang tao ay nabibilang sa genus na homo at sa species na sapiens, kaya sa binominal nomenclature ang pangalan ng tao ay Homo sapiens. Ito rin ang scientific name ng tao. Ang sistemang ito ay sinimulan ng Swedish botanist na si Carolus Linaeus (1707-1778).
                                                              o     O     o

          Karaniwang ang mga scientific names ay halaw sa mga salitang Latin o mga Latinized na pangalan ng tao o pook. Halimbawa, ang Homo sapiens ay mula sa mga salitang Latin na homo (“tao”) at sapiens (“marunong”). Ang scientific name ng Tamaraw na Bubalus mindorensis ay mula salitang Latin na ang ibig sabihin ay “kalabaw sa Mindoro.”
                                                              o     O     o

          Ang unang letra ng genus name ay laging capitalized, samantalang ang species name ay laging small letters maging ito man ay halaw sa pangalan ng tao o pook. Isang tuntunin din na laging naka-italized ang pagkakasulat ng scientific name. Halimbawa ang species names ng Philippine eagle (Pithecophaga jefferyi), Philippine flying lizard (Draco rizali), ang Waling-Waling (Vanda sanderiana), ang isdang labahita (Acanthurus bleekeri), atbp. ay mula sa pangalan ng tao. Samantalang ang sa African elephant (Loxodontia africana), ang kahoy na kamagong (Dispyros philippinensis), ang prutas na avocado (Persea americana), atbp. ay sa pangalan ng pook.
                                                              o     O     o
 
 
Larawang Tribiya
Angel Locsin on the covers of Cosmopolitan (Philippines) and Manual,
both March 2008 issue.
          Si Angel Locsin (tunay na pangalan, Angelica Colmenares) ay nagtapos ng elementary education sa St. James College sa Quezon City at the high school sa University of Santo Tomas High School. Noong 2007 kumuha siya ng short-course sa fashion design sa Central Saint Martin’s College of Art and Design sa London, England.
                                                                o     O     o