Showing posts with label Milagroso. Show all posts
Showing posts with label Milagroso. Show all posts

Thursday, August 23, 2012

August 23



 
AUGUST 23
Espesal Komiks Blg. 49, Agosto 23, 1954
Tampok sa taklob-pahina ang nobelanng “Milagroso”
na pinagtambalan ng dalawang alamat ng komiks na sina Nestor Redondo at Tony de Zuñiga



UNANG LABAS
Ang makabayang pahayagang El Grito del Pueblo na itinatag ni Pascual Poblete ay unang nabasa noong Agosto 23, 1899. Layon ng pahagang ito na ipahayag ang marubdob na hangarin ng mga Filipino na magkaroon ng kalayaan mula sa pananakop ng mga Amerikano.


Agosto 23 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 23, 1896, ang mga Katipuneros sa pamumuno ni Gat Andres Bonifacio ay nagpunit ng kanilang mga cedula bilang sagisag ng kanilang padtutol sa pamahalaang Kastila, at ito ang naging simula ng Himagsikan ng mga mamamayan sa Pilipinas laban sa Espanya. Sa simula tinawag itong “Sigaw ng Balintawak” subalit nang lumaon ay pinalitan ng mga mananaliksik ng kasaysayan at ginawang “Sigaw ng Pugadlawin” dahil naganap ito sa isang sitio sa Balintawak na tinatawag na Pugalawin.
                                                          o     O     o

          Ang mga Thomasites, ang pinakamalaking pangkat ng mga gurong Amerikano ay dumating sa Pilipinas noong Agosto 23, 1901. Binansagan silang “Thomasites” mula sa pangalang ng barkong nagdala sa kanila sa Pilipinas, ang U.S.S. Thomas.
                                                          o     O     o

          Noong Agosto 23, 1907, ipinag-utos ng pamahalaan ng mga mananakop na Amerikano ang pagbabawal ng pagtataas at pagpupugay sa watawat ng Pilipinas.
                                                          o     O     o

          Ang unang pelikulang ginawa sa Pilipinas – ang La Vida de Rizal (“Buhay ni Rizal”) ay ipinalabas sa Grand Opera House noong Agosto 23, 1912. Ang humigit-kumulang isang oras na pelikula ay pinatnugutan at binuo ni Harry Brown mula sa script na sinulat ni Edward Meyer Gross. Si Honorio Lopez ang gumanap bilang Gat Jose Rizal.
                                                          o     O     o

          Itinatag ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) noong Agosto 23, 1938. Ang mga orihinal na kasapi ng liga ay ang University of the Philippines (U.P.), University of Santo Tomas (U.S.T.), Far Eastern University (F.E.U.) at National University (N.U.).
                                                          o     O     o

          Noong Agosto 23, 2010, nangyari ang Manila Hostage Crisis kung saan walong turistang taga-Hong Kong ang napatay nang sugurin at walang habas paputukan ng mga otoridad ang bus na kinaruroonan ng mga turistang hostage at ng hostage taker na si Rolando Mendoza, isang nagpoprotestang police officer.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 23:
1848 – Felipe Buencamino Sr, member of Emilio Aguinaldo’s cabinet and Civil Service commissioner during the American Occupation – in San Miguel, Bulacan (January 6, 1929).
1925 – Alfredo P. Alcala, comic book artist – in Talisay, Negros Occidental (d. April 8, 2000).
1932 – Eddie Rodriguez (real name Luis Clemente Enriquez), actor ad director – in Zamboanga City (d. October 12, 2001).
1952 – Gabby Lopez (full name Eugenio Gabirel La'O Lopez III), businessman and corporate chief executive – in Manila.
1972 – Bal David (full name Bal Viray David Jr), professional pasketball player – in Cubao, Quezon City.
1979 – Michael Barroa Domingo, professional boxing champion – in Lebak, Sultan Kudarat.

1987 – Nikki Gil (full name Monica Pauline Santos Gil), singer, actress, television host, model and video jockey – in Manila.
Nikki Gil
on the cover of Manual (August 2008).

2001 – Zaijian Jaranilla, actor – in Manila.
Zaijan Jaranilla
on th cover of Bannawag (December 26, 2011)

 
Eight-year-old Drew Barrymore as Charlie McGee,
in the film Firestarter, on the cover of
Starburst Magazine (August 1984).
Picture Trivia
          Many auditioned for the role of Charlene “Charlie” McGee, the Firestarter, an unusual young girl with pyrokinesis, the ability to create fire by merely thinking of it. Among them Jennifer Connelly, Taylor Neff and Bridgette Andersen, but Drew Barrymore was chosen. She was only eight years old when she made the film Firestarter (1984), adapted from a novel of Stephen King with the same title.
                                      o     O     o

Thursday, June 28, 2012

June 28



JUNE 28
Espesyal Komiks Taon 2 Blg. 45, Hunyo 28, 1954
Tampok sa taklob-pahina ang nobelang komiks na “Milagrosa”
na pinagtambalan nina Nestor Redondo at Tony Zuñiga


GLIMPSE OF THE PAST
A portrait of Jean Simmons (1929-2010) on the cover of Time June 28, 1948 issue.


Events that happened on June 28:
1848 – Wedding day of Dr. Jose Rizal’s parents, Francisco Mercado Rizal and Teodora Alonzo Realonda.
2008 – Manny Pacquiao knocked out David Diaz on the ninth round in the fight dubbed as “Lethal Combination,” to become the WBC Lightweight champion and the first Asian five-division world boxing champion.


Personalities and celebrities born on June 28:
1861 – Jose Luna, doctor and medical officer in the Philippine-American War – in Trozo, Manila (d. January 21, 1917).
1959 –Gina Alajar (Regina Alitiit), actress and director – in Manila.
Young teen Gina Alajar on the covers of Movie King Showbiz Magazine (with Mike Bilbao), July 17, 1973, and Teens Weekly, February 22, 1974.

1983 – Maui Taylor (real name Maureen Anne Rodriguez Tupaz), model, singer and actress – in Brighton, East Sussex, England.
Maui Tayloron the covers of FHM Philippines April 2002 (left) and November 2005 (right),
and on p. 27 of 18 magazine Vol. 1 No. 1, September 2003 (center),
voted as No. 3 among the “10 Most Fantasized Female Star.”



ILLUSTRATED STORIES (NG ATLAS PUBLICATIONS)
Tagalog Illustrated Stories (dating
Tagalog klasiks) Taon 54 Blg. 2752,
Hunyo 28, 2004


Ilan sa mga huling “komiks” na inilimbag ng Atlas Publications
na hindi na nilagyan ng petsa: Pilipino IS Taon 59 Blg. 3240,
Tagalog IS Taon 54 Blg. 2774, at Espesyal IS Taon 53 Blg. 2613.

















Ang Tagalog Illustrated Stories ay ang dating Tagalog Klasiks. Nagbagong mukha ito sa mga unang taon ng ika-21 siglo. Sa unti-unting pagkawala ng babasahing pangmasa na “komiks,” tanging iilan sa mga inilalathala ng Atlas Publications ang nalabi sa sirkulasyon. Sa di mawaring dahilan, ang katawagang “komiks” o “klasiks” ay pinalitan ng “illustrated stories.” Ang Espesyal Komiks ay naging Espesyal Illustrated Stories, ang Hiwaga Komiks ay naging Hiwaga Illustrated Stories, atbp. Tumagal lamang ang mga ito hanggang taong 2006. Sa huling dalawang taon, hindi na nilalagyan ng petsa ang mga inililimbag na “komiks” na taliwas sa nakaugalian. Dito lalong nawalan ng halaga ang mga komiks. Ito ay dahil sa panuntunang (ng mga collectors) na ang nakatatak na petsa, maliban sa nilalaman, ang nagbibigay halaga sa mga babasahing ito sa paglipas ng panahon. Ang Pilipino Komiks naman na naging Pilipino Illustrated Stories, nang lumaon, ay nagkaroon na lamang ng mga “specialized issues” na naglalaman ng mga “illustrated” information tungkol sa mga napapanahong mga bagay o pangyayari.
                                                          o     O     o



Sina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith,
tampok sa taklob-pahina ng Meg
(June 2011)
Larawang Tribiya
          Ang magkapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith ay half-Australian at half-Filipina. Ang kanilang mga magulang ay sina James Ernest Curtis-Smith at Carmencita Ojales. Si Anne ay ipinanganak sa Yarrawonga, na 268 kilometers ang layo sa Melbourne (parehong nasa Victoria, Australia) kung saan naman ipinanganak ang kaniyang nakababatang kapatid na si Jasmine.
          Alam niyo ba kung ano ang agwat ng kanilang edad? Siyam na taon at pitong linggo.

 
                             o     O     o