April 3
 |
People
Weekly,
April 3, 1978
On the cover: The
Oscar Best Actress contenders
(Clockwise from
left, Diane Keaton of Annie Hall, the
winner,
Shirley MacLaine of The Turning Point,
Jane Fonda of Julia,
Marsha Mason of The Goodbye Girl,
and Anne Bancroft of
The Turning Point.
|
 |
Ang unang labas ng Pogi Magazine for Men,
(Abril 3, 1969). |
UNANG LABAS
Ang Pogi Magazine for Men ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Abril 3, 1969. Bagama’t ito ay naglalaman ng mga sexy pictures, mga sanaysay at kuwentong komiks tungkol sa sex at sexuality, hindi bulgar o malaswa ang pagsasalarawan at ilustrasyon nito katulad ng mga tinaguriang “bomba” o x-rated komiks at magazines. Ito ay pinatnugutan nina Ted Tenorio (Editor) at Mars Ravelo (Editorial Director) na manapa’y ang layunin ay labanan ang paglaganap ng mga malalaswang babasahin na inilalathala ng mga “underground” publications.
Tampok sa magazine na
ito ang mga kuwentong komiks na “Sa Bawat Saglit... Sindak” (sinulat ni
Mars Ravelo at iginuhit ni Mar T. Santana), “Uhaw” (Deo Villegas at Elmer Esquivias),
“Big Bernard” (Ric Torres at Arnie Dominguez), mga comedy strips na “Dumb Dora”
(Deo C. Gonzales at Vir Aguirre), “Dr. Ispongklong” (Ted Tenorio at Bert
Sarile) at “Ngisi” (Al Magat), at mga wakasang kuwentong “Hayok” (Virgilio N.
Mateo at Vic R. Geronimo) at “Bitag” (Dante Castel at Vic R. Geronimo)..
 |
| Ang unang labas ng nobelang komiks na “Uhaw” na
isinulat ni Deo Villegas at iginuhit ni Elmer Esquivias. |
Ang Dr. Ispongklong ni Ted Tenorio at Bert
Sarile
Ang
komiks comedy series na “Dr. Ispongklong,” na nilikha ni Ted Tenorio at
iginuhit ni Bert Sarile at unang lumabas sa Pogi Komiks noong Abril 3, 1969,
ay puno ng nakakatawang kuwento ng mga kalokohan ng pangunahing karakter na si
Dr. Ispongklong at ng mga tao sa kaniyang paligid. May temang seksuwal ang
kuwento na angkop sa Pogi Komiks. Si Dr. Ispongklong, ay isang
manggagamot (kuno) na laging naka-pipa na may dalawang sigarilyo, may nakakabit
na light reflector sa kaniyang noo, at laging may hawak na stethoscope. May
pagkahilig din sa mga seksing babae ang doctor na ito.
 |
| Ang unang labas ng
Dr. Ispongklong. |
Alam niyo
ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang “ispongklong?” Batay sa aking
pagsasaliksik, ito ay isang salitang naimbento sa loob ng editorial office ng
Pilipino Komiks Inc. Bukod sa paglikha kay Dr. Ispongklong, si Ted Tenorio ay
nahirang ding isa sa mga editors ng Pogi Komiks. Sa simula, ang naisip
niyang ipangalan sa kaniyang karakter ay “Dr. Mahilig,” subalit hindi niya ito
itinuloy. Nais niyang ang pangalan ay maging kawiliwili at naiiba. Humingi siya
ng tulong sa kapwa editor na si Mars Ravelo. Nakatakda ng iimprenta ang comedy
skit niya sa loob ng unang isyu ng Pogi
Magazine for Men subali’t wala pa silang maisip na pangalan. Kaya ang
ginawa ni Mars Ravelo ay kumuha ng coupon bond at inilagay sa typewriter,
ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nagtipa. Ang mga letrang tumatak sa
coupon bond at I-s-p-t-o-n-g-k-r-l-o-n-g. Pinagmasdan nilang mabuti at natawa.
Nasabi ni Tenorio kay Ravelo na “wala na silang maisip na matino.” Pero
napansin ni Ravelo na kung aalisin ang letrang “t” at “r,” ang lalabas ay
“Ispongklong.” Pinagtiyap naman na ang “t” ay para sa Tenorio at ang “r” ay
para sa Ravelo. Nagkamay ang dalawa at lumabas na ang “Dr. Ispongklong.”
Kaya ang
ibig sabihin ng “ispongklong” ay “taong walang maisip na matino” na siyang
karakter ni Dr. Ispongklong.
o O
o
Ang
Dumb Dora ni Deo C. Gonzales at Vir Aguirre
Ayon mismo sa pagkakalarawan ni Deo C.
Gonzales, si “Dumb Dora” ay isang babaeng may pinagsama-samang katangian nina
Cleopatra, Mata Hari at Marilyn Monroe, na dinagdagan ng saksakang katangahan.
Siya ay “sidekick” at “girl-Friday” ni Singko Nire, Agent 7-11, isa namang sikret
edyent na saksakan ng lakas ang hangin sa utak, subali’t pinakyaw na yata lahat
ng uri ng kabugukan. Ang nakatutuwang comedy series na ito ay kasabay ring
lumabas ng unang isyu ng Pogi.
 |
| Ang unang labas ng
Dumb Dora. |
o O
o
Events that happened on April 3
1823 – The cornerstone of the Intendencia (now occupied by the Central Bank of the Philippines) was put in place.
1942 – Lt. Gen. Masaharu Homma (1887-1946) was executed for his crimes and atrocities specifically during the Bataan Death March.
Personalities and celebrities born on April 3:
1867 – Jose Albert, doctor, scientist, delegate to the Malolos Constitution and member of Emilio Aguinaldo’s cabinet – in Manila (d. August 13, 1946).
1939 – Lino Brocka (full name Catalino Ortiz Brocka), film director, Ramon Magsaysay awardee (1985) and National Artist for Cinema – in Pilar, Sorsogon (d. May 21, 1991).
1943 – Subas Herrero (real name Ricardo Jaime Wright Herrera), actor-comedian – in Manila (d. March 14, 2013).
 |
Special Report: “Frontiers
of the Mind,”
on the cover of New Scientist (April 3, 2010). |
Picture Trivia
The average weight of the human brain
is 1.4 kilogram, but its functions and capacity can far exceed any computer
ever built. Up to now, no scientist can claim that he knows exactly everything
about the human brain. It is the only human organ that cannot be transplanted
or replaced.
Many have tried to measure the
capacity of the human brain. Oftentimes, it is compared to a computer.
According to Hans Moravec, who is renowned for his research in the field of
robotics and artificial intelligence, the human brain can process 100 trillion
instructions per second. Moravec based this in the brain’s capacity to process
image inputs from the retina of the eyes. By his estimate, based on
technological standard and advancement today, the computer maybe able to exceed
the human brain’s capacity by the year 2030.
If it were possible to build a
computer today identical to the human brain, with all its functions and
capacity, it is estimated that the computer will be bigger than the land area
of Metro Manila!
o O o