Showing posts with label Elena Patron. Show all posts
Showing posts with label Elena Patron. Show all posts

Monday, August 20, 2012

August 20


AUGUST 20
Damdamin Komiks Taon 2 Blg. 97
Tampok sa taklob-pahina ang kuwento ni Elena Patron na “Magpakailanman”
na iginuhit ni Louie Celerio
 
UNANG LABAS
Unang labas ng Extra Komiks
(Agosto 20, 1951),
tampok ang “Prinsipeng Kuba”
ni Nardo de Dios
na iginuhit ni Noly Panaligan

Ang Extra Komiks ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Agosto 20, 1951. Tampok sa babasahing ito ang mga kuwentong “Prinsipeng Kuba” (na isinulat ni Nardo de Dios at iginuhit ni Noly Panaligan, na siya ring nasa taklob-pahina ng unang isyu), “Barbero ng Sevilla” (isinulat ni Cris Cortez at iginuhit Antonio J. Ocampo), “Buhay ni Kuya Porong” (ni Joe La Men), “Bulaklak ng Malaya” (ni Narciso Miranda), “Bumibili ng Isang Ina” (isinulat ni Corazon Medina at iginuhit ni Tony de Zuñiga), “Doktor Sangredo” (isinulat ni Cristino Mata at iginuhit nina Juan Pangilinan at Antonio J. Ocampo), “Golem” (isinulat ni Mario del Mar at iginuhit ni Fred Alcantara), “Pompe” (ni Tony Barreto), at “Ang Paralitiko” (isinulat ni Ramon Marcelino at iginuhit ni Ruben Yandoc).
                                              o     O     o











 
Agosto 20 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 20, 1882, ang makabayang sanaysay ni Jose Rizal na Amor Patrio (“Pag-ibig sa Bayan”) na isinulat niya sa ilalim ng taguring “Laong Laan” ay inilimbag sa Diarong Tagalog. Ito ay inilimbag sa dalawang wika, ang orihinal na sinulat ni Rizal sa wikang Kastila at ang iniliwat sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar.
                                                                                                            o     O     o


The first Miss Universe Armi Kuusela with businessman
husband Virgilio Hilario.

          Ikinasal ang mangangalakal na si Virgilio “Gil” Hilario sa Finnish beauty queen at kauna-unahang Miss Universe na si Armi Kuusela sa Tokyo, Japan, noong Agosto 20, 1953.
                             o     O     o






 \






 
Personalities and celebrities born on August 20:
1938 – Eddie Mercado (real name Eduardo Mercado), actor, singer, event host and director – in Manila (d. September 18, 2006).
Eddie Mercado (with Jeanne Young)
on the cover of TV Times (August 1-7, 1976)

1939 – Fernando Poe Jr (real name Ronald Allan Kelly-Gatbonton Poe), actor, director, film producer, cultural icon and National Artist for Cinema (2006) – in Manila (d. December14, 2004).
Fernando Poe Jr on the covers of Weekly Graphic (August 11, 1965), Expressweek (July 13, 1978),
and People Asia (June 2004).

1939 – Mike Velarde (full name Mariano Zuniega Velarde), founder of El Shaddai Movement – in Caramoran, Catanduanes.
1953 – Cesar A. X. Syjuco, painter, poet and art critic – in Manila.
1977 – Harry Tañamor, champion amateur boxer – in Zamboanga City.


Elke Sommer on the cover of Gent (August 1964).
Picture Trivia 
          Hollywood actress Elke Sommer was a German native born as Baroness Elke von Schletz. In 1964, she won the Golden Globe Award for “Most Promising Newcomer Actress” for her portrayal as Inger Lisa Andersson in the film The Prize, opposite paul ewman and Edward G. Robinson.
                                                o      O     o








Friday, June 22, 2012

June 22



JUNE 22
Teens Weekly Taon 14 Blg. 723, Hunyo 22, 1984
Tampok sa taklob-pahina ang obrang “Mga Buhay na Manyika” na isinulat ni Elena M. Patron
na iginuhit ni Nestor Malgapo.


UNANG LABAS
Ang teen-oriented magazine na Sixteen ay unang lumabas noong June 22, 1968. Ang magazine ay halos kasinglaki lamang ng mga ordinaryong komiks at naglalaman din ng mga komiks series kabilang ang mga likha nina Mars Ravelo, Jim Fernandez, Carlo J. Caparas at Orlandro R. Nadres. Nagtampok din ito ng mga featured articles, columns, mga hit songs, at maiinit na balita sa showbiz at tungkol sa mga sikat na personalidad ng naturang panahon. Si Mars Ravelo ang nakaisip ng konsepto ng magazine at si Nadres naman ang naging unang editor nito. Inilimbag ito ng Pilipino Komiks Incorporated na sa simula ay Pilipino ang lengguwaheng ginamit. Makalipas ang ilang buwan, naging “Taglish” na ang medium of presentation nito, at nang lumaon, maliban sa mga illustrated stories na nasusulat pa rin sa wikang Pilipino, naging English na ang lengguwaheng ginamit sa mga artikulo sa magazine. Noong huling bahagi ng 1968, ang Atlas Publications Inc. na ang nagpatuloy ng paglilimbag nito.
Ang spread-out cover ng unang labas ng Sixteen Magazine, June 22, 1968,
na nagtatampok sa American rock band na The Raiders.
Naging popular na babasahin ang Sixteen na sinubaybayan ng mga campus teenagers, lalo na ng mga kababaihan. Subalit ang mga mag-aaral ng high school at college ay yumaon at nagtapos, naging mga professionals at nagkaroon ng pamilya, at dito sumabay sa pagbabago ang Sixteen. Noong March 1974 naging Sixteen MOD Filipina ang pamagat ng magazine. Makalipas ang siyam na buwan, naging kasing-laki ito ng 11”x13” tabloid. Noon namang October 10, 1975, naging MOD Filipina na ang titulo nito at naging exclusive para sa mga kababaihan. Pagtungtong ng 1980s hanggang 1990s, naging bisexual ang tema ng mga artikulong nilalaman nito na bukod sa mga mag-aaral ay mga professionals at class AB readers ang target. Noong July 3, 1992, naging MOD na lamang ang titulo nito, at noong 2004 lumiit sa 9”x12” ang sukat nito. Sumunod ay inililimbag ang MOD sa coupon-bond size.


Events that happened on June 22:
1936 – Zamboanga (in Zamboanga del Sur) was declared a city by virtue of Republic Act No. 39.
1963 – Angeles (in Pampanga) and Dapitan (in Zamboanga del Norte) were declared cities by virtue of Republic Act Nos. 3700 and 3811 respectively.


Personalities and celebrities born on June 22:
1868 – Claro Caluya, poet and playwright – in Piddig, Ilocos Norte (d. December 14, 1914).
1920 – Jovito Reyes Salonga, lawyer, politician and 14th Senate President (July 27, 1987-December 21, 1992) – in Pasig City (d. March 10, 2016).
1922 – Mona Lisa (real name Gloria Lerma Yatco), beauty queen and award-winning actress – in Tondo, Manila.





Pia Zadora on the cover of Oui
June 1982 issue.
Larawang Tribiya
          Ang unang pelikulang nilabasan ng American-born Polish-Italian actress-singer na si Pia Zadora (tunay na pangalan Pia Alfreda Zadorowski Schipani) noong siya ay 10 taong gulang pa lamang ay ang Santa Claus Conquers the Martians (1964) kung saan siya ay gumanap bilang isang batang Martian na nagngangalang Girmar.
          Noong 1982, lumabas siya sa kontrobersyal na pelikulang Butterfly na umiikot sa temang father-daughter incest. Sa pelikulang ito, kinanta niya ang “It’s Wrong for Me to Love You.” Napagwagian niya ang Golden Globe Award bilang “Best New Star of the Year,” manapa’y sa inpluensiya di-umano ng kaniyang milyonaryong asawang si Meshulam Riklis. Sa taon ding yaon si Zadora ang pinagkalooban ng Razzie Award para sa “Worst Actress.” Si Zadora ang kauna-unahang artista sa kasaysayan na nabigyan ng Golden Globe Award at Razzie Award para sa kaniyang pagganap sa iisang pelikula.
                                                          o     O     o