Friday, November 30, 2012

November 30


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Nobyembre


NOVEMBER 30
Mabuhay Komik Taon 4, Blg 85, Nobyembre 30, 1954
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Regina Zafra (Ang Kuba sa Gulod)"
ni Dominador Ad. Castillo na iginuhit ni Virgilo Mariano.


UNANG LABAS
Ang taklob-pahina ng unang isyu ng Scene Magazine
(November 30, 1982) tampok si Elizabeth Oropesa.
Ang Scene Magazine ay isang sexy-adult magazine sa wikang English na inilimbag ng Ejor Promotions and Publications at unang lumabas sa sirkulasyon noong November 30, 1982 sa ilalim ng pamamatnugot ni Yolanda Rodriguez. Sa unang labas nito ay itinampok ang mga larawan ni Elizabeth Oropesa at Karen Lopez. Kabilang din sa unang isyu ang mga artikulong “Nudity as Art,” “Hospitality Girls All in a Row,” “The Present Score on RP Basketball” at “Revolution, Anyone?”












Nobyembre 30 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 30 1929, ang batong-panulok ng bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan ay inilatag.
                                                          o     O     o

          Ang Kabataang Makabayan (KM), isang makabayang samahan ng mga kabataan, ay itinatag nina Jose Maria Sison at Nilo Tayag sa Pamantasan ng Pilipinas noong Nobyembre 30, 1964.
                                                          o     O     o

          Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Mabuhay ang Filipino Movement noong Nobyembre 30, 1972, kasabay ang pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on November 30:
1856 – Manuel Luna, violin virtuoso and brother of Juan and Antonio Luna – in Badoc, Ilocos Norte (d. July 15, 1883).
Isang larawan ni Gat Andres Bonifacio
na iginuhit ni Egai Fernandez para sa
taklob-pahina ng aklst ni Sylvia Mendez
Ventura na Supremo: The Story of Andres
Bonifacio.











1863 – Andres Bonifacio, founder of the Katipunan and Father of the Philippine Revolution – in Tondo, Manila (d. May 10, 1897).











1915 – Emmanuel Neri Pelaez, lawyer, statesman and vice-president (1961-1963) – in Medina, Misamis Oriental (d. July 27, 2003).
1928 – Andres dela Rosa Narvasa, 19th Chief Justice of the Supreme Court (Decmber 8, 1991 – November 30, 1998) – in Manila.
1970 – Andre Garcia Tiangco, stage actor and director – in San Fernando, Pampanga.


Larawang Tribiya
Si Jon Bon Jovi tampok sa taklob-pahina ng
Circus Magazine November 30, 1985 issue.
          Kilala si Jon Bon Jovi (tunay na pangalan John Francis Bongiovi Jr) bilang magaling na singer-songwriter at lead singer ng rock band na Bon Jovi. Alam niyo ba ang pamagat ng kaniyang unang professional recording? Nagtrabaho si Jon Bon Jovi bilang janitor sa recording studio ng kaniyang pinsang si Tony Bongiovi noong siya ay 17-taong gulang. Noong 1980, nang nagre-recording si Meco ng “Christmas in the Stars: The Star Wars Christmas Album,” inirekomenda ng pinsan niya na si Bon Jovi ang kumanta ng “R2-D2 We Wish You A Merry Christmas.” Ito ang kauna-unahan niyang professional recording at ginamit niya ang pangalan John Bongiovi.
                             o     O     o

Thursday, November 29, 2012

November 29


November issues of different magazines

NOVEMBER 29
TV Guide November 29 – December 5, 2003
On the Cover: Jennifer Gardner


Nobyembre 29 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 29, 1574, sinalakay ng mga piratang Intsik na pinamumunuan ni Limahong ang Parañaque upang gawin itong daan patungo sa tangkang pagsakop niya sa Intramuros, ang luklukan ng pamahalaang koloniyal ng mga Kastila, subalit matagumpay silang naitaboy ng mga mamamayan.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Ang pangulo ng America na si John F. Kennedy,
tampok sa taklob-pahina ng Life Magazine November 29, 1963 issue,
eksaktong isang linggo matapos ang pagpaslang sa kaniya.
Ang kulay ng magazine ay ginawang itim bilang tanda ng pagluluksa sa kaniya.



Personalities and celebrities born on November 29:
1893 – Maria Ylagan Orosa, chemist, pharmacist and nutritionist – in Taal, Batangas (d. February 13, 1945).
1917 – Dioscoro L. Umali, plant breeder, university (University of the Philippines at Los Baños) administrator and National Scientist – in Manila (d. July 1, 1992).
1964 – Raymond Lauchengco, singer and actor – in Manila.
1975 – Ricci Crisostomo (full name Richard Cleofas Crisostomo), actor – in Marikina City.
1982 – Paolo Ballesteros (full name Paolo Elito M. Ballesteros IV), actor, model and television host – in Cabanatuan City, Nueva Ecija.

1984 – Sitti Navarro (full name Sitti Katrina Navarro Baiddin), singer – in Las Piñas City.

1986 – Jerome Sala (full name Jerome Sala Ucab), singer – in Bacagay, Pilar, Bohol.


Larawang Tribiya
Isang caricature ni Adolf Hitler at ang Swastika
(na ginawang mga kamay at paa niya), tampok
sa taklob-pahina ng Vanity Fair November 1932
issue (mula sa Morelos Collection).
          Ang Swastika ay ginawang sagisag ni Adolf Hitler at ng Nazi Germany, subalit alam niyo ba ang kahulugan ng bagay na ito? Ang salitang “swastika” ay halaw sa wikang Sanskrit, mula sa su o sva, na ang ibig sabihin ay “mabuti,” at asti(ka), na nagsasaad ng panukalang “upang maging.” Kaya ang isang pakahulugan dito ay “upang maging mabuti.” May isa pang pakahulugan, isang panalangin upang maitaas ang esensya ng sarili sa higit na mataas na antas.
          Ang pinakamatandang bagay kung saan natagpuan ang sagisag na ito ay sa isang pigurin na yari sa ivory ng mammoth (hayop na ninuno ng mga elepante) na tinatayang mula pa sa panahong paleolithic (10,000 B.C.). Bahagi naman ito ng relihiyon at kultura ng mga Hindu mula pa noong 2500 B.C.
          May Chinese character na ang pagkakasulat ay katulad ng hitsura ng swastika. Ang ibig sabihin nito ayon sa Kangxi Dictionary (1716) ay “hindi mabilang na dami,” na sa pakahulugan naman ng mga Buddhist ay “walang hanggan.”
          Sa matematika, sa geometry, ang hugis ng swastika ay isang icosagon o polygon na may 20 gilid (o side) at 20 siha (o angle).
          Ang swastika ang ginamit ng Nationalist Socialist German Workers (Nazi) Party at ni Adolf Hitler (1889-1945) bilang sagisag ng lahing Aryan at ginawang pigura ng kanilang watawat.
                                                          o     O     o







Wednesday, November 28, 2012

November 28

 
November issues of different magazines


NOVEMBER 28
Bannawag November 28, 2011
On the Cover: Karylle


Nobyembre 28 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 28, 1928, ang Philippine Long Distance Telephone Company ay itinatag sa pamamagitan ng Act No. 3435.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Isang portrait ni John Barrymore tampok sa taklob-pahina ng
vintage Motion Picture Classic November 1926 issue.



Personalities and celebrities born on November 28:
1891 – Gregorio Perfecto, Journalist, politician and jurist – in Mandurriao, Iloilo (d. August 17, 1949).
1945 – Franklin Drillon, politician, lawmaker and Senate President (July 12, 2000 – November 13, 2000, July 23, 2001 – July 24, 2008) – in Iloilo City.
Apl de Ap (rightmost) and the The Black Eyed Peas
on the cover of Blender Magazine March 2006 issue.









1974 – Apl de Ap (real name Allan Pineda Lindo Jr), rapper, drummer, record producer and member of the Grammy-Award-winning group The Black Eyed Peas – Sapang Bato, Angeles City, Pampanga.









Joross Gamboa (with Roxanne Ginoo) on the cover
of Mr. & Ms. Magazine January 25, 2005 issue.









1984 – Joross Gamboa (full name John Ross Sanchez Gamboa), actor – in Daet, Camarines Norte.













Bianca Manalo on the cover of FHM Philippines
September 2010 issue.










1986 – Bianca Manalo (full name Pamela Bianca Ramos Manalo), flight attendant, beauty queen (2009 Binibining Pilipinas-Universe), actress and television host – in Manila.








Ang “Buntot-Page” ni Angel Adonay Santos
Ang kuwnetong “Buntot-Page” ni Angel A. Santos
na iginuhit ni Jesse F. Santos para sa taklob-pahina
ng Tagalog Klasiks Blg. 115 ( Nobyembre 28, 1953).
          Ang nobelang “Buntot-Page” ay isinulat ni Angel Adonay Santos para sa mga pahina ng Tagalog Klasiks noong 1953. Ito ay iginuhit naman ni Federico C. Javinal at Jesse F. Santos.
                         o     O     o

















Larawang Tribiya
Si Michelle Rodriguez (bilang Ana Lucia Cortez para
sa TV series na Lost) tampost sa taklob-pahina ng
TV Guide November – December 4, 2005 issue
          Nakasali si Michelle Rodriguez sa cast ng hit TV series na Lost sa pangalawang season noong 2005. Gumanap siya bilang ang karakter na si Ana Lucia Cortez. Taong 2005 din ng gumanap siya bilang Katarin sa Kristanna Loken starrer na BloodRayne.
          Alam niyo ba na batay sa DNA test na ginawa kay Rodriguez sa TV program na Finding Your Roots, ang mga ninuno ni Rodriguez ay mula sa 75% European, 23 % African at 2% native American? Ang dala namang nationality ng ama niya ay Puerto Rican at ang kaniyang ina ay mula sa Dominican Republic.
                          o     O     o

Tuesday, November 27, 2012

November 27


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Nobyembre


NOVEMBER 27
Super Fantasy Komiks Taon 1 Blg. 30 Nobyembre 27, 1987
Tampok sa taklob-pahina ang ilustrasyon ni Mike Raymundo
(courtesy Renato L. Tecque).


Nobyembre 27 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 27, 1982, napagwagian ni Lydia de Vega ang gintong medalya sa 100-meter dash sa Asian Games sa New Delhi, India. Si de Vega ang itinuturing na pinakamabilis na mananakbong babae sa Asia noong 1980s.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Sina Bob Crane (bilang Colonel Robert E. Hogan) at si Cynthia Lynn (bilang Fraulein Helga)
para sa popular television series na Hogan’s Heroes,
tampok sa taklob-pahina ng TV Guide November 27 – December 3, 1965 issue.


Personalities and celebrities born on November 27:
1911 – Fe del Mundo, pediatrician, first woman admiited to the Harvard Medical School, founded the first pediatric hospital in the Philippines, Ramon Magsaysay Awardee (1977, for public service), and National Scientist (2010) – in Intramuros, Manila (d. August 6, 2011).
Si Fernando Poe Sr (kasama si Pacita Francisco) para sa
pelikulang Kami ang Sugatan, tampok sa taklob-pahina
ng magasin na Ilang-Ilang (Hunyo 22, 1950).










1916 – Fernando Poe Sr (birthname Allan Fernando Reyes Pou), actor, writer, film director and producer – in San Carlos City, Pangasinan (d. October 23, 1951).













1932 – Benigno Simeon Aquino Jr, newspaperman, journalist and politician – in Concepcio, Tarlac (d. August 21, 1983). 

1947 – Ronaldo Valdez (real name Ronald James Gibbs), actor – in Manila.

1975 – Marlon Manalo, champion snooker and billiards player – in Mandaluyong City, Metro Manila.
1976 – Vinci Montaner (full name Francis Vincent Rosales Montaner), singer and stage actor – in Manila.
Andrea del Rosario on the cover of Maxim
Philippines February 2007 issue.









1977 – Andrea Marie del Rosario, actress, dancer and model.













1986 – Steven Joseph Lao Silva, Portuguese-footballer, actor and singer – in Sacramento, California.



Si Angie Dickinson tampok sa taklob-pahina ng
People Weekly November 27, 1978 issue.

Larawang Tribiya
          Marami ang nakakakilala kay Angie Dickinson bilang ang aktres na gumanap bilang Sergeant Suzanne "Pepper" Anderson sa 1970s television crime series Police Woman. Alam niyo ba na gumanap siya ng isang sexually provocative na papel at nagladlad ng kaniyang katawan sa isang pelikula? Ito ay sa Big Bad Mama (1974) kung saan gumanap siya bilang ang biyudang si Wilma McClatchie katambal sina William Shatner and Tom Skerritt. Kahit pa mahigit 43-anyos na si Dickinson sa pagganap niya sa naturang pelikula, marami pa rin ang humanga sa kaniyang hubad na katawan.
          Taong 1974 din nang lumabas siya sa isang episode ng TV series na Police Story. Naging napaka-popular ng kaniyang guest appearance na binigyan si Dickinson ng sarili niyang crime series, ang ground-breaking na Police Woman. Ito ang kauna-unahang matagumpay na “full hour television dramatic series” kung saan ang pangunahing bida ay isang babae. Tumagal ito ng apat na seasons (September 13, 1974 – March 29, 1978) at si Dickson ay na-nominate ng tatlong beses sa Emmy Award at apat na beses sa Golden Globe Award (nagwagi siya noong 1975 bilang Golden Globe Best Actress in a Drama Series).
                                                              o     O     o

Monday, November 26, 2012

November 26

 
November issues of different magazines


NOVEMBER 26
MOD Girl November26, 2004
On the Cover: Glen Camille de Asis


Nobyembre 26 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 26 1899, nasakop ng puwersang mananakop ng mga Amerikano ang Vigan, kabisera ng ng Ilocos Sur.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Isang larawan ng isang Vietcong na nabihag ng mga sundalong Amerikano tampok sa Life Magazine November 26, 1965 issue. Ito ay kuha ng isa sa pinakamagaling na photographers ng Life Magazine na si Paul Schutzers. Ang mga ganitong pagsasalarawan ng American atrocities ay naging sanhi upang ang mamamayang Amerikano ay tumutol sa pakikialam ng kanilang pamahalaan sa Vietnam War.


Personalities and celebrities born on November 26:
1862 – Mariano Dacanay –secular priest, writer and translator of religious works (d. October 2, 1930.
1960 – Randy Santiago (full name Randy Gerard Legaspi Santiago), singer-songwriter, actor, television host, director and entrepreneur – in Manila.
Angeline Quinto on the cover of Flique Magazine
October-November 2012 issue (contributed by
A.M.S. Abe).











1989 – Angeline Quinto, singer and actress – in Sampaloc, Manila.












1993 – Margaret Marie Necio Otega, singer-songwriter – in Manila.



Si Imogene de Coca tampok sa taklob-pahina ng Colliers’s
Magazine November 26, 1954 issue.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba kung sino si Imogene de Coca? Hindi man bukang-bibig ang kaniyang pangalan, si Imogene de Coca (1908-2001) ay isang magaling na American actress-comedienne sa television. Nagsimula siya bilang isang child acrobat sa vaudeville, naging singer, dancer at noong 1940s ay pumasok sa larangan ng television comedy. Mula 1950 hanggang 1954, sumikat siya sa television katambal ang comedian na si Sid Caesar sa Your Show of Shows. Nagwagi siya ng Emmy Award Best Actress (1951) at Peabody Award for Excellence in Broadcasting (1953). Nagkaroon siya ng self-titled TV program – The Imogene Coca Show – bagama’t tumagal lamang ito mula 1954 hanggang 1955. May pagkakataon sa kaniyang career na siya ang bida sa anim na television programs. Tumagal ang kaniyang career ng anim na dekada, mula 1940s at hanggang sa 1990s ay meron pa rin siyang guesting sa iba’t-ibang TV shows. Katunayan na-nominate pa siya ng Emmy Award sa ikaanim na pagkakataon sa edad na 80-anyos sa kaniyang pagganap sa isang episode ng Moonlighting noong 1988.
                                      o     O     o

Sunday, November 25, 2012

November 25


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Nobyembre


NOVEMBER 25
CRAF Klasix Taon 1 Blg. 20 Nobyembre 25, 1964
Tampok sa taklob-pahina ang “Marko Bandido”
na isinulat nina Francisco V. Coching at Medy Tarnate na iginuhit ni Federico Javinal

Nobyembre 25 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 25, 1910, ang Insular Life Assurance Company, ang kauna-unahang Insurance company na pagmamay-ari ng Filipino, ay itinatag sa Echague, Quiapo, Manila, nina Antonio Ma. Barretto at Leon Mooser.
                                                          o     O     o

          Ang pagsusulit sa kauna-unahang National College Entrance Examination (NCEE) ay sinimulang ay ginanap noong Nobyembre 25, 1973. Ito ay naging isang napakainam na panunutunan ng pagbabatayan ng mga mag-aaral, at maging ng mga educational institution, sa pagkuha ng tamang academic courses. Dahil dito, tumaas ang kalidad ng mga nagtatapos sa mga kolehiyo at pamantasan. Datapuwa’t inalis ito sa pamamagitan ng Republic Act No. 7731 noong Hunyo 1, 1994.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Ang taklob-pahina ng ika-10 anibersaryo ng Life Magazine (November 25, 1946),
sampung taon matapos bilhin ng Time Magazine founder na si Henry Luce
ang general interest publication na ito noong 1936.
Nagkaroon ito ng bagong anyo nang muli itong ilunsad noong November 23, 1936
(ang orihinal na Life ay itinatag noong January 4, 1883).
Ito ang pangatlong babasahing magazine na inilimbag ni Luce bukod sa Time at Fortune.


Personalities and celebrities born on November 25:
1868 – Moises Salvador, Mason, propagandist and martyr – in San Sebastoan, Manila (d. January 11, 1897).
Lilia Dizon (together with Teody Belarmino) for the film
Tininti del Barrio on the the cover of Ilang-Ilang Magazine
June 8, 1950 issue.














1928 – Lilia Dizon (real name Carolina Dizon Strauss), Filipino-American actress – in Pampanga.











1934 – Jose T. Almonte, military man and government official – in Albay.
Vince Hizon on the cover of Celebrity World Magazine
July 15, 1996 issue











1970 – Vince Hizon (full name Vicente Paul Bowie Hizon), Filipino-American basketball player, television host and product endorser – in Orange County, California.











Isang nakapanglulumonmg eksena matapos
ang pagputok ng bulkang Nevado del Ruiz
sa Colombia, tampok sa taklob-pahina ng
Time Magazine November 25, 1985 issue.

Larawang Tribiya
          Noong Nobyembre 13, 1985, pumutok ang bulkang Nevado del Ruiz sa Colombia. Bagama’t di gaanong kalakasan ang pagputok, natunaw ang yelo sa tuktok at paligid ng bulkan na lumikha ng pagragasa ng lahar na lumamon sa bayan ng Armero at kumitil ng humigit-kumulang 25,000 katao. Maraming namatay na tao dahil sa pagwawalang-bahala ng national at local government sa mga babalang ibinigay ng mga siyentista.
          Ang trahedyang naganap sa Armero, Tolima, Columbia, kung saan halos nabura ito sa mapa dahil sa pagragasa ng lahar na sanhi ng pagputok ng bulkang Nevado del Ruiz noong Nobyembre 13, 1985, ay nakatala bilang “second deadliest volcanic disaster in the 20th century.”
                             o     O     o