Wednesday, October 31, 2012

October 31


October issues of different magazines

OCTOBER 31
Picture Show (and TV Mirror) October 31, 1959
On the Cover: Doris Day and Rock Hudson for the film Pillow Talk

Noong Oktubre 31, 1936, itinatag ang samahang Boy Scouts of the Philippines.
                                                          o     O     o

          Ang Gintong Alay, isang sports program ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ay itinatag noong Oktubre 31, 1979. Ang training camp nito ay itinayo sa Baguio City kung saan nagsasanay ang mga atletang Filipino. Naging matagumpay ang programang ito sa paghubog ng kamalayan sa palakasan ng mga ordinaryong mamamayan bukod sa paghahanap at pagsasanay ng mga magagaling na atletang nabigay karangalan sa Pilipinas sa mga pandaigdiggang paligsahan.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on October 31:
1870 – Quintin Salas, revolutionary leader in Panay during the American Occupation – in Dumangas, Iloilo (January 24, 1917).
1877 – Carlos V. Ronquillo, writer and newspaperman – in Floridablanca, Pampanga (October 18, 1941).
1942 – Eduardo de los Santos Castrillo, award-winning sculptor – in Santa Ana, Manila.
1946 – Helen Vela, actress, broadcaster and producer – in Manila (d. February 14, 1992).
1955 – Connie Angeles (full name Fe Consuelo Angeles), actress and politician – in Quezon City.
1956 – Christopher de Leon (full name Christopher Strauss de Leon), actor and politician – in Manila.
1968 – Roy V. Aragon, poet and fictionist – in Mabasa, Dupax del Norte, Nueva Vizacaya.


Si Audrina Patridge tampok sa taklob-pahina
ng Maxim Magazine October 2009 TV issue.


Larawang Tribiya
          Ang actress-model na si Audrina Patridge ay tinaguriang “Queen of The Hills” ng Maxim Magazine. Siya ang longest serving original castmember ng MTV reality series na The Hills.
                             o     O     o






Tuesday, October 30, 2012

October 30


October issues of different magazines


OCTOBER 30
October 30 (2006): MOD Magazine Vol. XXXVIII No. 1822
On the Cover: Bea Alonzo and Anne Curtis


UNANG LABAS
Unang inilabas sa sirkulasyon ng Liwayway Publishing ang Bisaya, isang babasahing magasin para sa Visayas at Mindanao, noong Oktubre 30, 1930. Ang unang patnugot nito ay si Francisco Candia.


Oktubre 30 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Oktubre 30, 1919, muling naitanghal ang watawat ng Filipinas. Idineklara ang araw na ito bilang Flag Day sa pamamagitan ng Act 2871.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Ang kuwentong “Lasong Walang Kamandag” ni Pablo S. Gomez
na iginuhit ni Clem Rivera, tampok sa taklob-pahina ng Aliwan Komiks Blg. 1363
na may petsang Oktubre 30, 1988.



Personalities and celebrities born on October 30:
1947 – Prospero C. Nograles, politician and Speaker of the House of Representatives (February 5, 2008 – June 30, 2010) – in Davao City. 
Christine Bersola with Julius Babao (before they became
husband and wife, barely a week after admitting on national
television that they are in a relationship) on the cover of
Mr. & Ms Magazine March 28, 2000 issue.











1970 – Christine Bersola-Babao, broadcast journalist and television host – in Bulacan.






1980 – Richard “Rich” D. Alvarez, basketball player – in Yokosuka, Japan.
1989 – Ryan Paolo Aguinaldo Arabejo, swimmer.



Si Kylie Minogue (para sa pelikulang Steet Fighter)
tampok sa taklob-pahina ng Sky Magazine October
1994 issue.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba na ang Australian pop singer-songwriter na si Kylie Minogue ay naging isa sa mga bida sa pelikulang Street Fighter (1994)? Gumanap siya bilang Captain Cammy White katambal si Jean Claude Van Damme.
                             o     O     o

Monday, October 29, 2012

October 29


October issues of different magazines


OCTOBER 29 
October 29 (1999): MOD Magazine Vol. XXXII No. 1466
On the Cover: Jolina Magdangal

Oktubre 29 sa Kasaysayan ng Pilipinas
          Noong Oktubre 29, 1901, ang Insular Museum of Ethnology, Natural History and Commerce ay itinatag sa Manila sa pamamagitan ng Act No. 284 ng Philippine Commission. Ang institusyong ito ay naging ganap na National Museum of the Philippines noong Pebrero 12, 1988.
                                                          o     O     o

         
Noong Oktubre 29, 1875, ang Faculty of Medicine and Pharmacy ay itinatag sa University of Santo Tomas sa pamamagitan ng isang royal decree kasabay ng reorganisasyon ng pamantasan.
                                                          o     O      o


Personalities and celebrities born on October 29:
A portrait of General Antonio Luna,
Philippine Revolution’s best strategist.








1866 – Antonio Novicio Luna, writer, patriot, revolutionary general and strategist – in Urbiztondo, Binondo, Manila (d. June 5, 1899).












1877 – Narcisa Buencamino de Leon, film producer and founder of LVN Pictures, in San Miguel, Bulacan (d. February 6, 1966)
Antonio “Tony” Velasquez, the acknowledged
“Father of Philippine Komiks”







1910 – Antonio “Tony” Velasquez, writer, editor, creator of Kenkoy and “Father of Philippine Komiks” – in Ulilang Kawayan, Paco, Manila (d. 1997).












1920 – Fidela “Tiya Dely” Magpayo-Reyes, broadcaster and radio icon, in Manila (d. September 1, 2008).
1945 – Reynaldo A. Duque, fictionist, poet, scriptwriter, translator and editor – in Bagani Ubbog, Candon, Ilocos Sur.
1945 – Arnulfo P. Fuentabella, Speaker of the House of Represenatives (November 12, 2000 – January 24, 2001) – in Goa, Camarines Sur.
1955 – Boy Abunda (full name Eugenio Romerica Abunda Jr), talent manager, publicist and television host – in Borongan, Eastern Samar.
Angelika dela Cruz gracing the cover of MOD Magazine
September 24, 2004 issue.










1981 – Angelika de la Cruz (full name Maria Lourdes Egger de la Cruz), actress and singer – in Quezon City.













1985 – Regine Angeles (full name Diorella Regine de Leon Angeles), model and actress – Quezon City. 
Regine Angeles on the covers of Maxim Philippines October2008 issue
and FHM Philippines April 2011 issue.
Ang Captain Boom ng Mag-amang Mars at Ric Ravelo.
Ang likhang isip ng mag-amang Mars at
Ric Redondo na “Captain Boom” tampok
sa taklob-pahina ng United Komiks Blg. 73,
na may petsang Oktubre 29, 1966.
          Ang Filipino superhero character na si Captain Boom ay nilikha ni Mars Ravelo, na iginuhit naman ng kaniyang anak na Ric, para sa United Komiks noong 1966.
          Ginawa itong isang teleserye ng ABS-CBN Channel 2 bilang unang handog ng Komiks Presents: Kapitan Boom noong 2008. Ginampanan ni Jon Avila ang papel na Kapitan Boom samantalang si Jay-R (Siaboc) ang gumanap sa alter-ego ni Kapitan Boom na si Lance Mercado.
                                      o     O     o













Si Olivia Newton-John para sa pelikulang Xanadu,
tampok sa taklob-pahina ng Photoplay Magazine
October 1980 issue.

Larawang Tribiya
          Noong 1980, tinanggihan ni Olivia Newton-John ang inialok na papel sa kaniya sa pelikulang Can’t Stop the Music ng Village People upang gawin ang pelikulang Xanadu. Ang Xanadu sana ang maglulunsad kay Newton-John bilang isang solo star, subalit hindi naging matagumpay sa American box office ang pelikula. Ang Xanadu ang tanging pelikula kung saan mag-isang nasa top billing si Newton-John.
          Ang “Xanadu” ay mula sa pangalan ng summer capital ni Kublai Khan (ng Yuan Dynasty) sa China. Hinalaw ito mula sa tula ni Samuel Taylor Coleridge na Kublai Khan.
                              o     O     o


Sunday, October 28, 2012

October 28


October issues of different magazines


OCTOBER 28
MOD Girl Holloween issue, October 28, 2005
On the Cover: Rebecca Rose


Oktubre 28 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Oktubre 28, 1977, ang Health Science Center ay nilikha sa pamamagitan ng Presidential Executive Order 519 bilang isang hiwalay na institusyon bagama’t nasa loob ng campus ng University of the Philippines.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN

Si Ann Sheridan (1915-1967) para sa pelikulang Navy Blues,
tampok sa taklob-pahina ng vintage Song Hits Magazine October 1941 issue.



Personalities and celebrities born on October 28:
1934 – Doreen Gamboa Fernandez, food critic, author and columnist (d. June 24, 2002).
1970 – Alan Cayetano (full name Alan Peter Schramm Cayetano), politician and senator – in Mandaluyong, Rizal.



Si Charlize Theron tampok sa taklob-pahina ng
Entertainment Weekly October 28, 2005 issue.

Larawang Tribiya
          Napagwagian ni Charlize Theron ang Academy Award at Golden Globe Award sa Best Actress para sa kaniyang pagganap bilang ang serial killer na si Aileen Wuornos sa pelikulang Monster (2003). Siya ang kauna-unahang South African na nagwagi ng Academy Award para sa major acting category. Dahil dito naging isa siya sa highest-paid actress sa Hollywood ng mga sumunod na taon.
Ang movie poster ng Aeon
Flux (2005) na pinagbidahan
ni Charlize Theron.
          Noong 2005, binayaran siya na tig-10 million dollars para sa mga pelikulang North Country at Aeon Flux. Nagawaran siya ng star sa Hollywood Walk of Fame noong September 30, 2005.
             o     O     o

Saturday, October 27, 2012

October 27


October issues of different magazines


OCTOBER 27
Liwayway (Magasin ng Pamilya) Oktubre 27, 1975
Tampok sa taklob-pahina si Binibining Susan Roces


Oktubre 27 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Oktubre 27, 2002, nabili ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang painting ni Juan Luna na “Parisian Life” (1892) sa halagang 46 milyong piso sa auction sa Hong Kong. Ang painting ay naglalarawan ng isang hindi-kilalang binibining taga-Paris, France. Mapapansin din sa dulong kaliwang bahagi ng painting ang pagkaguhit kina Dr. Jose Rizal, Juan Luna at Dr. Ariston Bautista.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Si Katharine Hepburn para sa pelikulang Christopher Strong
tampok sa taklob-pahina ng Film Weekly October 27, 1933 issue.
Nang taong ding ito nagwagi si Hepburn ng kaniyang una sa apat na
Academy Awards para sa Best Actress sa pelikulang Morning Glory.



Personalities and celebrities born on October 27:
1893 – Manuel V. Moran, seventh Chief Justice of the Supreme Court (July 9, 1945 –March 20, 1951) and first Filipino ambassador to Vatican – in Binalonan, Pangasinan (d. August 23, 1961).
1920 – Felicisimo Ampon, champion tennis player, at five-foot tall once called “the pound-for-pound best tennis player in the world.” (d. February 1998).
1944 – Gary Lising (full name Edgardo Lising), actor, comedian and writer – in Baguio City.
Charo Santos on the cover of Philippine Panorama Magazine
June 11, 1978 issue.










1955 – Charo Santos-Concio (birth name Maria Rosario Navarro Santos), actress, television host, film producer and broadcast network executive – in Legaspi City, Albay.




 
The “Wonder Boy” of Philippine cinema,
Niño Muhlach, when he was around five
years old, on a Sarsi print ads.









 



1971 – Niño Muhlach (full name Angelo Jose Rocha Muhlach), actor – in Manila.

  Larawang Tribiya 
Magkasabay na itinampok sa mga taklob-pahina ng Time at Newsweek
si Bruce Springsteen noong Oktubre 27, 1975.
          Ang “Born to Run” (1975) album ni Bruce Springsteen ang itinuturing na isa sa pinakakatangi-tanging rock-and-roll album of all time at ang kaniyang pinakapulidong likha.
                                                          o     O     o


Friday, October 26, 2012

October 26


October issues of different magazines


OCTOBER 26
People Weekly October 26, 1981
On the Cover: Lindsay Wagner


MUKHA NG NAKARAAN
Tampok ang kuwentong “Amor Secrets” sa taklob-pahina ng
Extra Komiks Blg. 58 na may petsang Oktubre 26, 1953.


Personalities and celebrities born on October 26:
1939 – Heherson “Sonny” T. Alvarez, politician and government official – in Santiago, Isabela.
1941 – Raul Sagarbarria Roco, politician and lawmaker – in Naga, Camarines Sur (August 5, 2005).
1949 – Antonio Tirol Carpio, Supreme Court associate justice – in Davao City.
1961 – Joey Salceda (full name Jose Clemente Sarte Salceda), politician – in Manila.
1970 – Viktoria (real name Teresita Victoria Elizaga Agbayani), singer – in Sual, Pangasinan.
1982 – Niña Dolina, actress – in Manila.
1987 – Sylvester Berador Lopez, champion professional boxer – in Kabansalan, Zamboanga Sibugay.



Si Angelina Jolie tampok sa taklob-pahina ng
Premiere Magazine October 2004 issue.

Larawang Tribiya
          Pumaimbulog sa kasikatan bilang Hollywood top female action star si Angelina Jolie sa kaniyang pagganap bilang ang video game heroine na si Lara Croft sa pelikulang Lara Croft: Tomb Raiders (2001) at sa sequel nito na The Cradle of Life (2003). Nang gawin niya ang pelikulang Mr. & Mrs. Smith (2005) katambal ang kaniyang asawang si Brad Pitt, siya ang itinuturing na highest paid actress sa Hollywood.
          Alam niyo ba na si Angelina Jolie ay mayroong napakaraming tattoo sa kaniyang boong katawan? Mahigit 15 tattoos ang makikita sa boong katawan ni Jolie, karamihan dito ay tinatakpan ng make-up kapag siya ay gumagawa ng pelikula.
          Ang ibig sabihin ng Arabic script tattoo sa kanang braso ni Jolie (sipatin ang kalakip na taklob-pahina) ay “determination.” Ito ang ipinalit niya sa binurang abstract lines tattoo na ginawa nila noon ng dating asawang si Billy Bob Thornton.
                             o     O     o