Sunday, September 30, 2012

September 30


September issues of different magazines

SEPTEMBER 30
September 30 (1996): Celebrity World Magazine Vol. 5 No. 264
On the Cover: Liberty Ilagan's daughters (with restauranteur Rod Ongpauco) Happy and Soen Ongpauco


MUKHA NG NAKARAAN
Ang Silent Era American actress na si Norma Talmadge (1894-1957)
tampok sa taklob-pahina ng Picture-Play Magazine September 1916 issue.

Setyembre 30 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 30 1889, ang sanaysay (essay) ni Gat. Jose Rizal na Filipinas Dentro de cien años (“The Philippines a Century Hence”) ay inilathala sa pahayagang La Solidaridad sa Madrid, Spain.
                                                          o     O     o

          Matagumpay na nasubukan ni Gregorio Y. Zara ang alcohol-fueled airplane engine na kaniyang inimbento noong Oktubre 30, 1954.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 30:
1870 – Sofia F. de Veyra, educator, social worker and feminist advocate (d. January 1, 1953).
1905 – Rosario Delfin Bondoc, educator and science professor – in Polo, Bulacan
1921 – Leticia Shahani (birth name Leticia Valdez Ramos), journalist, diplomat and politician – in Lingayen, Pangasinan.
1938 – Ismael Bernal, actor, screenwriter, director, and National Artist for Cinema (d. June 2, 1996).
Denise Laurel on the cover of Rogue Magazine
June 2010 issue.










1987 – Denise Laurel (full name Denise Maria Sanz Laurel), actress and singer – in Manila.










Si Freddie Mercury tampok sa taklob-pahina ng Circus
Magazine September 30, 1991 issue.

Larawang Tribiya
          Hindi katutubong British ang lead vocalist at lyricist ng rock band na Queen na si Freddie Mercury (1946-1991). Ang tunay niyang pangalan ay Farrokh Bulsara, at siya ay isang Parsi (Zoroastrian Persian refugee) na ipinanganak sa isla ng Zanzibar (ngayon ay bahagi ng Tanzania), sa East Africa. Nagbinata naman si Mercury sa bansang India. Tinawag siyang “Britain’s first Asian rock star.”
                             o     O     o

Saturday, September 29, 2012

September 29


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Setyembre


SEPTEMBER 29
Manila Klasiks Taon 1 Blg. 8, Setyembre 29, 1951
Tampok sa taklob-pahina ang “Walang Gulat” na kathang-isip ni Cirio Galvez Almario.


MUKHA NG NAKARAAN
Ang “Quiz Kid” na si Gerard Darrow,
tampok sa taklob-pahina ng Life Magazine September 29, 1941 issue.

Setyembre 29 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 29, 1898, ang Paghayag ng Kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite ni Heneral Emilio Aguinaldo ay pinagtibay sa Kongreso ng Malolos.
                                                          o     O     o

          Ang mga taong-bayan ng Balangiga, Samar, ay magiting na naghimagsik laban sa mga pagmamalabis ng mga sundalong Amerikano. Lumaban sila at napatay ang 48 sundalong Amerikano na sumakop sa kanilang bayan. Bilang ganti, iniutos ni Heneral Jacob H. Smith na paslangin ang lahat ng mamamayan ng bayan, bata man o matanda, at gawing isang “umaatungal na kaparangan” (“howling wilderness”) ang Balangiga. Ang kaniyang utos: “Patayin ang lahat ng tao at sunugin ang lahat ng bagay; higit na marami kayong nasunog at napatay, higit itong makalulugod sa akin” (“Kill everyone and burn everything; the more you burn and kill, the better it will please me”). Ninakaw din ng mga sundalong Amerikano ang mga kampana ng simbahan ng Balangiga at dinala ito sa America bilang isang samsam (dalawa sa mga kampana ay matatagpuan ngayon sa F.E.Warren Air Force Base sa Cheyenne, Wyoming, at ang isa pa ay nasa Madison Barracks sa Sackets Harbor, New york). Tinagurian ito sa kasaysayan ng Pilipinas na “Balangiga Massacre.”
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 29:
1925 – Eugenia Apostol (birth name Eugenia Obsum Duran), publisher – in Sorsogon.
1951 – Mike Enriquez (full name Miguel Castro Enriquez), radio-television newscaster, broadcast journalist and network executive – in Sta. Ana, Manila.
1969 – Angelo Barretto, race car driver.
1972 – Arnold Ilagan Atienza, athlete, newscaster and politician – in Manila.



Ang American actress na si Piper Laurie, tampok sa
taklob-pahina ng Photoplay Magazine September 1951
issue.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba kung sino ang nagputong ng korona sa kauna-unahang Miss Universe na si Armi Helene Kovo Kuusela? Siya ay ang Hollywood actress na si Piper Laurie (tunay na pangalan Rosetta Jacobs). Naganap ito sa Long Beach, California noong 1952.
                            o     O     o



Friday, September 28, 2012

September 28


September issues of different magazines

SEPTEMBER 28
TV Guide Magazine, September 28 – October 4, 1961
On the Cover: Marg Helgenberger (as Catherine Williow) and Jorja Fox (as Sara Sidle)
for the television series C.S.I.


MUKHA NG NAKARAAN
Tampok sa taklob-pahina ng Silangan Komiks Blg. 10, na may petsang Setyembre 28, 1950,
ang “Prinsipe Ahmad – Anak ni Alladin” na isinulat at iginuhit ni Alfredo Alcala.


Setyembre 28 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 28, 1965, nagsimulang pumutok ang Bulkang Taal sa Batangas na tumagal ng tatlong araw. Mahigit 2,000 katao ang nasawi at ang lahar ay halos nagwasak sa isang dosenang barrio.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 28:
1897 – Agapito G. Flores, electrician and inventor of the flourescent lamp – in Guiginto, Bulacan (d. 1943).
Former president Diosdado Macapagal on the cover
of Men’s World Magazine June 18, 1990 issue.










1910 – Diosdado Pangan Macapagal, President (1961-1965) – in Lubao, Pampanga (d. April 21. 1997).










1910 – Wenceslao Vinzons, editor, public servant and war hero – in Indan (now Vinzons), Camarines Norte (d. July 15, 1942).
1982 – Emelio Asada Caligdong, football player – in Pototan, Iloilo.
1979 –  Amanda (Claire Ricardo) Griffin, English-Filipino model and TV personality – in Windsor, Berkshire, England.
Amanda Griffin on the cover of Mr. & Ms. magazine Vol. 27 No. 47, March 9, 2004

1986 – Jordan Shea Rashad Norwood, Filipino-American football player – Honolulu, Hawaii.



Si Masayori “Masi” Oka (bilang Hiro Nakamura
sa TV series na Heroes) tampok sa taklob-pahina
ng Entertainment Weekly September 28, 2009
issue.

Larawang Tribiya
          Bukod sa pagiging aktor na gumanap bilang isa sa mga bidang mutant heroes na si Hiro Nakamura sa television series na Heroes, si Masayori “Masi” Oka ay isa ring mathematician at digital effects artist. Nagtrabaho siya sa special effects company ni George Lucas na Industrial Light & Magic. Ilan sa mga pelikulang ginawan niya ng computer generated imagery (CGI) ay ang The Perfect Storm (2000), War of the Worlds (2005), Pirates of the Caribbean: Dead Man’s Chest (2006), at ang tatlong huling Star Wars prequels. Sinasabing may I.Q. siya na higit sa 180.
                            o     O     o

Thursday, September 27, 2012

September 27

 
September issues of different magazines


SEPTEMBER 27
September 27 (1991): MOD Filipina Magazine Vol. XXIV No. 1047
On the Cover: Candice Robyn P. Corral

MUKHA NG NAKARAAN
Tampok sa taklob-pahina ng Life Magazine September 27, 1943 issue
ang isang magandang dilag na nag-aani ng mais.



Setyembre 27 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 27, 1988, ang light-flyweight boxer na si Leopoldo Serrantes ay nagwagi ng bronze medal sa 24th Summer Olympics sa Seoul, Sputh Korea.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 27:
1853 – Benito Legarda, lawyer and government official – in Binondo, Manila (d. August 27, 1915).
1865 – Miguel Carpio Malvar, revolutionary general – in San Tomas, Batangas (d. October 13, 1911).
1915 – Rafael Zulueta de Costa, poet and author – in Paco, Manila.
1918 – Sotero Cosme Laurel II, educator and politician – in Taguig City (d. September 16, 2009
1952 – Ric Segreto (full name Richard Vincent Segreto Magaraeg), American-born Filipino-Italian singer-songwriter, actor and journalist – in Brokklyn, New York (d. September 6, 1998).
1989 – Robi Domingo (full name Robert Marion Eusebio Domingo) – in Quezon City.
1991 – Ynna Asistio (full name Alynna Alexandra Asistion), actress – in Caloocan City.



Si Mariah Carey tampok sa taklob-pahina ng
Interview Magazine September 2007 issue.

Larawang Tribiya
          Noong taong 2007, si Mariah Carey ay naglabas ng kaniyang brand ng pabango – ang “M” – na gawa ng cosmetic company na Elizabeth Arden.
                                      o     O     o




Wednesday, September 26, 2012

September 26

 
Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Setyembre
 
SEPTEMBER 26
Espesyal Komiks Taon 13 Blg. 322, Setyembre 26, 1966
Tampok sa taklob-pahina ang “Nagbalik na Bangkay” nina Ric Torres at Alex Niño

MUKHA NG NAKARAAN
Ang “Madam Tentay” ni Pablo S. Gomez na iginuhit ni Nestor Leonidez
tampok sa taklob-pahina ng Pinoy Komiks Blg. 10 na may petsang Setyembre 26, 1963.


Setyembre 26 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 26, 1945, ang isla ng Catanduanes (Virac ang kabisera) ay idineklarang isang bagong lalawigan sa Bicol sa pamamagitan ng Republic Act No. 687.
                                                          o     O     o

          Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 2, isinailalaim ni Pangulong Ferdinand Marcos ang buong Pilipinas bilang land reform area noong Setyembre 26, 1972. Ito ay upang pabilisin ang land reform program ng pamahalaan.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 26:
1949 – Francis H. Jardeleza, lawyer, law professor and government official – in Jaro, Iloilo.
1964 – Leo Andanar Lastimosa, radio and television newscaster – in Palompon, Leyte.
1987 – Maricris Yu Garcia, singer – Caloocan City.



Si Lindsay Lohan tampok sa taklob-pahina
ng Maxim Magazine September 2007 issue.

Larawang Tribiya
          Noong 2006, si Lindsay Lohan ay hinirang ng Maxim International na pangatlo sa kanilang “Hot 100” list. Nang sumunod na taon, siya na ang naguna sa “Hot 100” list.
                             o     O     o


Tuesday, September 25, 2012

September 25


September issues of different magazines

SEPTEMBER 25
September 25 (2006): MOD Magazine 32nd Anniversary Issue
On the Cover: Mother and daughter Gloria Diaz and Isabelle Diaz Daza

Setyembre 25 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 25, 1945, itinatag ang People’s Court sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 682 upang maging hukuman para sa mga nagawang krimen laban sa pambansang seguridad sa panahon ng pananakop ng mga Hapon.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 25:
1876 – Hemenegildo Villanueva, politician – in Bais Negros oriental (d. April, 1939).
Lope K. Santos face on a
Philippine postage stamp





1879 – Lope K. Santos, poet, novelist, lwyer and labor leader – in Pasig (then part of Rizal). (d. May 1, 1963)









1925 – Pablo Paras Garcia, lawyer and politician – in Cebu.
1957 – Edgar Sulite, martial arts teacher and creator of Lameco Eskrima, a Filipino martial arts system – in Tacloban City (d. April 10, 1997).
1961 – Mark Gil (real name Raphael Joseph de Mesa Eigenmann), actor – in Manila.
1966 – Ramon “Bong” Revilla (real name Jose Marie Mortel Bautista), actor and politician – in Manila.



Ang supermodel na si Gisele Bundchen tampok
sa taklob-pahina ng Newsweek Magazine
September 25, 2000 issue.

Larawang Tribiya
          Ang supermodel na si Gisele Bundchen ay naging isa sa Victoria’s Secret “Angels” simula ng taong 2000 kung saan nagkaroon siya ng 25-million-dollar contract.
                             o     O     o



Sunday, September 23, 2012

September 23


September issues of different magazines

SEPTEMBER 23
Newsweek Magazine September 23, 1974
On the Cover: Gerard Rudolf Ford (taking over the presidency of Richard M. Nixon)


UNANG LABAS
Ang pagpupugay sa taklob-pahina ng unang
labas ng Sampaguita Komiks (Setyembre 23,
1957)
Ang Sampaguita Komiks ay isang babasahing pangmasa na inilimbag ng G. Miranda & Sons (GSM) Publishing Corporation. Una itong lumabas sa sirkulasyon noong Setyembre 23, 1957. Itinampok sa unang isyu ang kuwento ni Virgilio Redondo na “Hindi Kita Malimot,” na pinagtulungan niya at ng kaniyang kapatid na si Nestor na iguhit. Mababasa rin dito ang “Anatalia” na isinulat ni Rico Bello Omagap at iginuhit ni Antonio J. Ocampo, at ang “Graciela” na isinulat ni Ted Tenorio at iginuhit ni Amado “Mads” S. Castrillo.












Tampok sa taklob-pahina ng Aglow Weekly Magazine Vol. 1
No. 1 (September 23, 1988) ang anim na taong gulang na
si Bernadette E. Salas.

Ang Aglow Weekly Magazine na inilimbag ng Counterpoint Komiks & Magazine, Inc., ay unang lumabas noong September 23, 1988. Si Alfredo Roces Guerrero ang publisher nito at si Nelly Favis-Villafuerte ang editor. Naglalaman ito ng sari-saring artikulo na karamihan ay may kaugnayan sa relihiyong Kristiyanismo.
Tampok sa taklob-pahina ng unang isyu ang anim na taong gulang na si Bernadette E. Salas, na anak nina Atty. Bernardo Salas, na noon ay Vice-President for Personnel Administration and Legal Affairs ng GMA-7 at ni Ginang Charmina Espinosa Salas.













Setyembre 23 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 23, 1559, pinanganlan ng explorer na si Ruy Lopez de Villalobos (1500-1546) ang kapuluan ng Pilipinas na “Las Islas Filipinas” bilang parangal sa Hari ng Espanya na si Felipe II (Philip II, 1527-1598).
                                                          o     O     o

          Inilimbag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pampletang “True Narratives of the Philippine Revolution” na naglalaman ng mga litanya ng mga habla ng pagmamalabis laban sa mga Amerikanong mananakop sa Pilipinas.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 23:
1904 – Juan Salcedo Jr, doctor, soldier, teacher and National Scientist (1978) who discovered that Thiamine (Vitamin B1) can fight beri-beri – in Pasay City (d. October 20, 1988)
1923 – Maria Socorro Cancio Ramos, founder of the National Book Store – in Sta. Cruz, Laguna.
1957 – Bernardo F. Piñol Jr, journalist and politician.
1982 – Karen Loren Agustin, model and beauty titlist.
Maureene Larrazabal on the cover of FHM
Philippines May 2004 issue.








1983 – Maureene Larrazabal (full name Maureene Larrazabal Vera Cruz), actress and model.
















Si Bruce Willis (para sa pelikulang Die Hard 2) tampok
sa taklob-pahina ng Empire Magazine September 1990
issue.

Larawang Tribiya
          Si Bruce Willis ay gumanap bilang isang New York police officer na nagngangalang John McClane sa pelikulang Die Hard (1988). Nasundan ito ng Die Hard 2: Die Harder (1990) at Die Hard with a Vengeance (1995). Ang tatlong pelikulang ito ay humakot sa takilya ng mahigit 700 million dollars at nagpaangat kay Willis bilang “Top Hollywood Action Star.” Isa na ring cultural icon sa America ang character na John McClane.
          Noong 1990, tatlong pelikula ang ginawa ni Willis: Ang sequel na Die Hard 2, ang Look Who's Talking, Too, isa pang sequel kung saan muli siyang nagboses sa sanggol na si Mikey, at ang The Bonfire of the Vanities na hindi gaanong pinansin sa takilya.
                             o     O     o

Saturday, September 22, 2012

September 22


September issues of different magazines


SEPTEMBER 22
September 22 (1997): Savvy Magazine Vol. 3 No. 14
On the Cover: Giselle Toengi



Setyembre 22 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 22, 1943, ang Pambansang Awit at Pambasang Watawat ng Pilipinas ay itinatag bilang opisyal na mga sagisag ng bansa sa pamamagitan ng Republic Act No. 211.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 22:
1954 – Michael Edward Marcos Keon, politician and director of Project “Gintong Alay” – in Ilocos Norte.
Jericho Rosales on the cover of Men’s Health
Magazine September 2012 issue.










1979 – Jericho Vibar Rosales, actor and singer-songwriter – in Quezon City.











1984 – Marcelito Pomoy, singer with both tenor and soprano voice and Pilipinas Got Talent Season 2 grand winner – in Bislig, Surigao del Sur.



Nasa taklob-pahina ng Entertainment Weekly
September 22, 2000 issue sina Gillian Anderson
at Robert Patrick.

Larawang Tribiya
          Ang TV series na The X-Files, na pinagbidahan nina David Duchovny (bilang FBI agent Fox Mulder) at Gillian Anderson (bilang FBI agent Dana Scully), ay nagsimulang ipinalabas sa U.S. noong September 10, 1993 at nagtapos noong May 19, 2002. Sa siyam na seasons, umabot ito hanggang 202 episodes.
          Sa huling dalawang seasons, naging panaka-naka na lang ang paglabas ni Duchovny at ang naging pangunahing bidang lalaki ay si Robert Patrick (bilang FBI agent John Doggett).
                             o     O     o